Chapter 34 "Look at Ace? Iba ang ngiti ng lolo niyo" - Calix Nagtawanan ang mag-pipinsan na nasa iisang lamesa. Kapwa bored na ang mga ito dahil sa birthday party na iyon ng mommy ni Terence. Halos karamihan naman kasi sa mga bisita ay negosyo at pakikipagsosyalan lamang ang ipinunta doon. Gusto lamang ng ilan sa mga babaeng naroon ang magpatalbugan ng kagandahan at kasuotan. Pakinangan rin ng diamond jewerlys at makapalan ng makeups. Bored na bored tuloy ang magpipinsan na sina Cody, Calix, Liam James, Raven, Jacob, Keith, Harley at Zacary dahil kanina pa sila pasimpleng pinagfifiestahan ng mga babaeng naroon. Hindi nakadalo ang iba pa nilang mga pinsan dahil nasa ibat-ibang bansa ang mga ito "Yeah i noticed too. Kakaiba ang ngiti ni Ace ah?" -Harley "Mukhang aso naman talaga yan ngu