Chapter 33 "Bakit mag-isa ka lang rito?" Nilingon ni Yumi ang lalakeng nagsalita sa bandang likuran niya. Naroon siya ngayon sa isa sa mga balkonahe ng mansyon. Nagpapahangin dahil tila hindi siya makahinga sa loob ng mansyon. Maraming bisita roon na mapang-husga ang tingin sakanya mula pa ng makapasok siya sa mansyon. Kahit nga ang mga katulong at serbidora ng pamilya ni Terence ay kakaiba ang tingin sakanya Napagpasyahan niyang magpahangin muna sa labas ng mansyon habang kausap pa ni Terence ang ilan sa mga kasosyo nito sa negosyo. Na-out of place siya dahil wala namang ibang kumakausap sakanya sa party na iyon Busy si Terence sa pakikipag-usap sa mga kasosyo nito sa negosyo samantalang busy rin ang mommy nito sa pag-asikaso sa ibang mga bisita Nakita niya kanina ang nakababatang ka