Chapter 44 3rd Person's POV "Kung magkakapalit kami ni Azure ng walang nakakaalam makakabalik dito si Azure ng safe. Kailangan niyo lang ako dalhin sa isla," ani ni Emjay. Napahilot si River ng sentido at tinanong si Emjay kung sa tingin nito papayag sina River na bumalik doon ang lalaki matapos malaman ang identity nito. "Kambal anak mo you idiot at wala kang alam?" ani ni River at tiningnan si Jayson na nakatitig sa lalaki. Nakayuko si Emjay at parang takot na takot na tupa. Nilingon ni Tiago at Loki si Emjay. "Natural na hindi ko alam. At the first place si Loki lang naman talaga ang anak ko," ani ni Jayson. Napatigil si River at lumingon kay Jayson. "Si Loki lang ang anak ko dahil matapos ako ikasal kay Leah pumunta ako sa doctor. Hindi alam iyon ni Leah— hindi na kami uli