Chapter 45 3rd Person's POV Ibinigay ni Azure ang phone kina Ayano. Agad na kinuha iyon ni Ayano at sinubukan kontakin si Emjay. Agad na sinagot iyon ni Emjay. Unang tinanong ni Emjay kung ayos lang ang mga ito. "Ayos lang kami. Sanay na kami," sagot ni Ayano na natatawa. Sinabi ni Emjay na papunta na sila doon. "Gawin niyo lahat para ilabas si Azure. Sumama na kayo dalawa. Gusto ko kayo makita," ani ni Emjay. Natawa si Ayano at sinabing iyon ang gagawin nila. Sinabi ni Emjay na magte-text siya kapag nakarating na sila sa isla. Magbibigay siya ng signal. — Naghintay sina Ayano, Aiki at Azure sa silid na iyon. Hindi na lumabas si Azure para sa dinner. Wala siyang gana na kumain. Sobrang kinakabahan siya dahil masama ang kutob niya. Pakiramdam niya kasi may mali. Maya-maya nag