Chapter 2

1067 Words
"MAY ilang mga patakaran dito na kailangan mong sundin." Nakaharap at nakaupo ako ngayon sa tapat ng mayordoma ng bahay na ito. Sa paraan pa lang ng tingin niya sa akin, halata kong hindi niya rin ako gusto. Halos lahat ata ng mga katulong nila dito ay kalaban ang tingin sa akin. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis kung isang araw, bigla na lang magdadala ang amo nila ng isang babae at sasabihing magiging asawa niya ito? Hindi ko sila masisisi. Hindi ko nga rin alam na may magkakagusto sa akin at papakasalan pa ako. Mukha ba akong pumayag na makasal sa lalaking ni hindi ko pa nakikita? Ni hindi ko nga alam kung paano siya maglakad o kung ano ang paborito niyang ulam. Tapos papakasalan ko sya? Biktima lang din naman ako dito, noh! Para akong nanalo sa raffle na hindi ko naman sinalihan. "The first rule: you must be submissive and obey the master. Huwag kang sasagot o magtatangkang mag-demand." Tumatango-tango lamang ako habang nagbuburda at nakikinig sa kanya kahit hindi naman ako interesado. Sabi kasi nila parte raw ito ng pagiging isang ‘perfect na asawa.’ Kesyo dapat daw ako mahinahon, masunurin, at marunong sa mga gawaing-bahay. Napaisip tuloy ako kung tama ba itong pinasok ko. Hindi ba mas magandang desisyon ang umalis na lang dito? Asan na ang hustle at goals ko? "Second, you must produce a lot of babies—" muntikan na akong matusok ng karayom dahil sa narinig ko. "H-ho?!" tanong ko na halos mabingi sa sariling boses, hindi pa rin makapaniwala. "Produce a lot of babies? Babies!? Maraming bata?!" "Bakit, ano ba sa tingin mo ang purpose mo?" sagot niya nang mataray, sabay taas ng kilay na parang gusto akong sindakin. "May sasabihin ka pa ba?" pasinghal na dugtong nya. Hindi na lamang ako umimik at kahit na nawindang ako sa sinabi niya, pinagpatuloy ko pa rin ang pagbuburda. Wala akong magawa kundi magpatuloy. Baka kung hindi ko pa tapusin, magalit pa siya lalo at sabihin na hindi ko tinutupad ang mga "responsibilidad" ko bilang asawa. "At panghuli, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa restricted room." Muli akong napatigil sa pagbuburda at iniangat ang aking tingin sa kanya. Bahagya namang kumunot ang aking noo. "The room on the third floor is strictly off-limits," giit niya, ang mga mata niya'y seryosong nakatitig sa akin, na para bang binabalaan ako na huwag suwayin ang sinasabi niya. "Maliwanag ba?" tanong niya, puno ng diin at naghihintay ng tiyak na sagot mula sa akin. Mahina akong sumagot at nang akmang aalis na sana siya, agad ko siyang pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya. "Kailan ko po makikita ang asawa ko?" tanong ko, mahina ngunit puno ng pag-aasam. Malakas niya namang itinabig ang kamay ko na nakahawak sa kanyang braso, dahilan upang mabigla ako. "Have you already forgotten the rule number one? Be submissive and stop demanding." Sininyasan niya ang isa sa mga katulong at bago ko pa maunawaan ang nangyayari ay naramdaman ko na lang ang malamig na pag-agos ng juice na ibinuhos sa ulo ko. Dahan-dahan itong dumaloy pababa sa aking noo, sa mga pisngi, at nag-iwan ng malagkit na pakiramdam sa aking balat. Pero ang mas ikinagulat ko pa ay ang sumunod na giniwala niya—she slapped me. Two times. "Pasalamat ka at iyan lang ang natanggap mo. Sa susunod na lalabag ka pa, mas malala pa dyan ang ipapakita ko." Umalis na sila at naiwan akong nakatulala. Pilit ko pang pinoprocess ang nangyari sa akin nang dumating si Butler Fred. "Anong nangyari sa inyo, Miss? Sinong may gawa nito!?" nag-aalalang wika niya nang makarating sa tapat ko. Ngumiti naman ako. "Wala ho. Hindi ko po sinasadyang matapunan ang sarili ko." Kahit na hindi kapani-paniwala ang nangyari, wala namang nagawa si Butler Fred kundi tumango at napabuntong-hininga. May ibinigay siyang mga papeles sa akin—mga dokumentong mukhang mahalaga at mahinahon niya akong pinayuhan na pirmahan ang lahat ng ito. Sinabi pa niya na uuwi na ang asawa ko ngayong gabi mula sa trabaho nito sa lungsod at ngayong gabi na rin namin maconsummate ang aming kasal. "Lucien..." marahan kong binasa ang pangalan ng aking asawa. Isang pirma ko lang dito ay asawa na niya ako. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o nagagalak sa ideyang makikita ko na siya. Pinili kong huwag nang masyadong isipin ang mga pangyayari. Bumalik ako sa aking silid upang magbihis sana nang may mabunggo ako sa hallway. Napadaing ako dahil sa tigas ng pagkakabunggo nya. Parang pader ang katawan niya—matigas at hindi natinag, samantalang ako ay napaatras at halos mawalan ng balanse. “Tsk, are you blind, b*tch?!” galit niyang binalingan ako ng tingin, ang malamlam niyang mga mata ay nag-aapoy sa inis. “S-sorry, hindi ko sinasadya...” halos pabulong kong sagot, kinakabahan habang agad kong pinagpagan ang kanyang damit na namantsahan ng juice. "You just made it worse! Tabi!" pag-angal niya, kasabay ng malakas na pagtulak sa akin. Hindi ko na nagawang makabalanse, kaya bumagsak ako sa sahig. Ramdam ko ang sakit mula sa pagdapo ng aking mga palad at tuhod. Nagulat naman sya nang makita akong nakasalampak na. Pero bago pa siya makapagsalita ay kusa nyang naitikom ang bibig nya. “Pietro.” it was a low, threatening voice that filled the hallway. Parang dumagundong ito sa hallway, sapat upang mapatigil ang lahat. Mabilis akong napatingin sa pinagmulan ng tinig at kahit hindi ko pa siya nakikita nang buo, ramdam ko na ang presensya niyang nangingibabaw sa lahat. “K-Kuya... nakabalik ka na pala,” mahinang sagot nya, pilit na itinatago ang kaba sa tinig. Ang galit at yabang sa mukha ni Pietro ay unti-unting naglaho, tila ba kinabahan o natakot sa tinig na tumawag sa kanya. Tumikhim siya at umiwas ng tingin, biglang nagmukhang bata na nahuli sa kalokohan. Agad na nagsilinyahan ang mga katulong sa hallway, maayos at sabay-sabay na yumuko nang makita nila ang lalaki. Para bang sanay na sanay na sila sa ritwal na ito, bawat kilos ay puno ng respeto at takot. “Welcome home, master,” sabay-sabay nilang pagbati, ang mga tinig nila ay nag-echo sa katahimikan ng paligid. Nanlaki naman ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy nila. Isang matinding panginginig ang dumaloy sa aking katawan nang magkrus ang aming mga mata. Master!? Siya si Lucien? Ang mapapangasawa ko? Itong nakakatakot na lalaking ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD