“O, bakit?” Nakakunot ang noong sabi ni Jarra kay Vaughn habang nag-aayos siya sa harapan ng salamin. Ngayon ang first day nila ngayon pabalik ng trabaho at dahil day shift siya ay sabay silang pupunta sa trabaho. Kanina niya pa nakikita si Vaughn na paikot-ikot doon na para bang may hinahanap. "I can't find my glasses," anito. Tumigil si Jarra sa pag-aayos ng knayang uniform at nilapitan ito. "Ha? E, diba nasa office mo lang 'yon?" takang tanong niya kasi palagi namang nasa office nito rito sa condo ang mga gamit nito sa trabaho lalo na iyong reading glasses nito. "Wala, e. Kanina ko pa hinahanap, love." Pabalik-balik na ito sa buong kwarto at halos magulo na nga ang kanilang kama dahil pati roon ay naghahanap ito. Bumuntong-hininga si Jarra. "Wait nga, hanapin ko rin. Nilaba