Halos magmistulang giraffe ang mga kasamahan ni Jarra pagkapasok na pagkapasok niya sa canteen kasama si Vaughn at ang kaibigan nitong si TJ. Napairap na lang siya. Lunch time niya at kagaya ng sabi ni Vaughn ay hinintay nga siya nito. Nagulat na lang siya na pinuntahan na siya nito sa nurse station kasama ang kaibigan nito. Doon pa lang ay ramdam na ramdam na niya ang tinginan ng kanyang mga kasamahan. Ipinagkibit-balikat na lang niya ang mga iyon. Less talk, less intriga. “Bes!” Mabilis na napatigil siya pati na ang mga kasama niya nang marinig ang matinis na boses ni Talia. Hindi naman siya nahirapang makita ito dahil nakataas ang kamay nito. Ngumisi ito nang malapad at saka itinuro ang katabi nitong upuan. Tinaasan niya pa ito ng kilay pero itinaas-baba lang nito ang kilay. Napaira