“Jarra, ang usapan natin?” Agad na naningkit ang mga mata ng ina ni Jarra nang humarap sa kanya. Huminga siya nang malalim at tumango na lang sa ina. Nasa bus terminal na sila ngayon at itong Mama niya ay wala pa ring humpay ang pagpapaala kahit na puno na siya ng paalala kanina sa hotel pa lang. Napailing na lang siya. “Oo nga po. Promise.” Nagtaas pa siya ng isang kamay para lang maniwala ito sa kanya. Pinaningkitan siya ng ina. “Oo nga po, Ma. Oo nga po,” ulit niya pa. Saglit na tinitigan pa siya nito bago ito bumuga ng hininga. “Oh siya, sige. Tatawag ako kung luluwas ulit kami.” Nginitian niya ito. “Okay po, no problem.” Humalik siya sa pisngi ng ina tapos ay sa ama niya. “Ingat ka, ha. Pagbalik namin kasama namin kapatid mo.” Napanguso siya nang guluhin ng papa niya ang kanyan