“May lakad ka,sis?” usisa ni Talia nang makita nito si Jarra na nag-aayos ng mga gamit sa locker room. It’s their lunch break at sa halip na dumiretso sa canteen para kumain ay sa locker dumiretso si Jarra. Ni hindi niya nga alam na sumunod pala ang magaling niyang kaibigan sa kanya. Para na talaga itong buntot niya, e. Kahit saan yata siya magpunta nakasunod ito. Napailing na lang siya rito. Nang maayos na niya ang kanyang mga gamit ay sinuot na niya ang kanyang tote bag. Nilingon niya ang kaibigan. Nakahalukipkip ito sa kanya at nakataas na ang kilay nito sa kanya. Bumuntong-hininga siya rito. “Half day ako. Ngayon ang check up ni Vaughn kaya sasamahan ko,” sagot niya rito. Nagkorteng- o pa ang bibig ng kanyang kaibigan at saka ito tumango-tango. “Okay.” Nagkibit-balikat ito at s