Chapter 28

1471 Words

Nakatitig si Jarra sa kanyang hawak na chart. Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Ramdam niya ang titig ni Talia mula sa gilid. Iniisip na naman siguro nitong nagsi-space out na naman siya.  “Te, ang lalim na naman ng iniisip mo, a,” sa wakas ay sabi ni Talia.  Nakagat niya ang labi at saka umupo nang maayos. Inayos niya rin ang kanyang mga hawak na charts at itinabi ang mga iyon. Hinarap niya si Talia. Nakataas na ang kilay nito at saka nakahalukipkip pa sa kanya. Nasa nurse station silang dalawa ngayon. Mamaya pa sila pupunta sa garden para ipasyal ang mga pasyente.  Huminga siya nang malalim at saka ipinagkuros ang mga hita. “Wala, iniisip ko lang si Vaughn,” aniya rito.  “E? Akala ko ba okay na si Atty? Tsaka di ba magli-live in na kayo? Yie!” Bahagya siya nitong tinudyo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD