“So, bale itong mga stocks na lang natin ang kailangan nating tapusin, tapos mag-order na tayo, ha?” Sunod-sunod na tumango si Jarra sa sinabi ni Talia. Kapwa sila nakatingin noon sa laptop ng kaibigan niya na nasa kama nito. Naka-indian sit silang dalawa sa sahig at naka-pangalumbaba si Talia. Jarra just sighed and got the folder of their orders. Tiningnan niya ang mga stocks na kailangan nilang palitan at ubusin. Ngumuso siya. Naramdaman niya naman ang pagtitig ni Talia sa kanya. Tinudyo pa siya nito sa gilid. “Uy, sure ka bang okay ka lang? Wala kang gustong pag-usapan? Pwede naman tayong mag-break sa negosyo muna, sis. Kwento ka na, makikinig lang ako,” sabi pa nito sa kanya. Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig lang sa folder. Ramdam niya pa rin ang titig ng kanyang kaibi