“Pakawalan niyo ako! Argh! What the hell is this?! Ugh!” “Oh my god! Doc, do we really have to do this to my son?!” Umalingawngaw ang boses ni Vina Alegre sa buong hospital room. Agad na napatayo si Jarra at napatingin sa kanyang biyanan. “M-Ma,” tawag niya rito. Mabilis na lumingon si Vina sa kanya. “Oh god, hija!” Nakagat niya ang labi at mabilis na tumakbo para yakapin ang ina ni Vaughn. Mahigpit na yumakap ito sa kanya. “Mama,” umiiyak na sabi niya rito. Ibinaon na rin niya ang kanyang mukha sa balikat nito. Ramdam niya ang paghagod nito sa kanyang likod. Kumalas sila sa yakap. Hinaplos nito ang kanyang mukha at pinatahan siya. "M-Ma sorry. W-Wala akong nagawa," humihikbing sabi niya. Mariing umiling ang ina ni Vaughn. " No, no, no, hija, hindi mo kasalanan, okay? Hindi m