Naalimpungatan si Jarra nang makarinig siya ng tila mga nagsisigawan sa paligid. Akmang babangon na siya at titingnan kung ano ang mga iyon nang maramdaman niya naman ang tila pagkirot ng kanyang noo. Hindi niya alam kung anong meron pero parang may sugat siya sa kaliwang banda ng kanyang noo at iyon ang kumikirot.Nakagat niya ang kanyang labi at saka niya pinilit na bumangon. “M-Ma?” mahinang tawag niya. She felt the dryness of her throat. Natiigil ang sigawan na kanyang narinig. Nakagat niya ang kanyang labi habang sinusubukan pa ring umupo nang maayos. Nasa isang kama siya pero hindi niya alam kung nasaan siya. Her vision was still blurry and shaky. Ang tanging nakikita niya lang ay puting paligid. “Jusko, anak!” Narinig niyang sigaw ng kanyang ina at agad niyang naramdaman an