“Hey, you ready?” abot-tenga ang ngiting tanong ni Vaughn kay Jarra. Nasa may vanity mirror siya at naghahanda para sa lunch nila ng mga oldies. Sa wakas ay sasabihin na nila sa mga ito ang tungkol sa kanilang planong pag-live-in. Ngumuso siya rito. “Ewan ko, kinakabahan ako. Baka kung anong maging reaksyon nila ni Mama.” Agad na sumilay ang ngisi ni Vaughn. “Come on, it won’t matter anyway. We’re adults.” Niyakap siya nito. Sumandal siya sa balikat nito. Tiningala niya ito at pinagdikit ang kanilang noo. Ngumiti ito sa kanya. “Thank you.” Niyakap niya ito. Naramdaman niya pa ang paghigpit ng yakap ni Vaughn sa kanya tapos ay ang paghalik nito sa kanyang noo. Ilang segundo silang nagtagal sa ganoong posisyon hanggang sa umalis na rin sila roon at nagpunta sa restaurant na pagkikit