"Narinig ko kay Talia na palagi ka na raw sa condo ni Vaughn, a?" Nakagat na lang ni Jarra ang kanyang labi nang marinig ang sinabi ng ina. Bumuntong-hininga siya at ngumuso. Hindi niya pa rin nasasabi ang tungkol sa live-in na plano nila ni Vaughn. Sa mga nangyayari kay Vaughn at sa ka-busy-han niya sa apartment ay hindi na siya nakahanap pa ng tyempo kung kailan niya sasabihin ang tungkol sa pag-live in. Pumangalumbaba siya sa lamesa at humarap sa kanyang cell phone. Kasalukuyan siyang nasa study room ni Vaughn. Linggo noon ay may ka-conference call ang kanyang boyfriend. "Nag-aalala lang ako, Ma. Baka sumakit na naman ang ulo niya kaya dito na muna ako.” Ngumuso siya at nag-iwas ng tingin. Kahit na hindi nakatingin ay ramdam niya pa rin ang titig ng kanyang ina sa kanya. “Hay nak