“What do you want to talk about?” tanong ni Vaughn habang nagbubuo ng mga word puzzles na binili ni Jarra para rito. It was a Sunday at nasa sala silang dalawa. Nakaupo si Vaughn sa carpet at si Jarra naman ay nasa sofa. Ever since they came back from their stay at that hotel, dito na lang sila palagi sa bahay pag Sunday. Wala rin namang ginagawa si Jarra at based sa na-research niya ang mga pasyente ng alzheimer’s kailangan nila ng mga kausap, most preferably family member. Kaya hindi niya na ito iniiwan. She would also engage him into topics of his interest para lang may mapag-usapan sila. Inaral na nga niya ang ibang mga kaso at naghanap pa siya ng ibang mga interesting cases para matanong niya ito at makausap niya. Binilhan niya rin ito ng mga mind games gaya ng puzzles at sudoku at