Hindi alam ni Jarra kung ano ang kanyang mararamdaman pagkatapos siyang komprontahin ng ina kanina. Nasa sala na sila ngayon. Katabi niya si Vaughn habang nagwa-wine ang kanilang mga magulang. Ramdam na ramdam niya ang tingin ng kanyang ina sa direksyon nila. Hindi niya sinasalubong ang tingin nito. Nakayuko lang siya habang nakaangkla sa braso ni Vaughn. May pinag-uusapan tungkol sa negosyo ang mga ama nila. Paminsan-minsan ay nakikisali ang ina ni Vaughn Sila lang ng mama niya ang nanatiling tahimik. Panaka-naka ang tingin niya kay Vaughn na tahimik pa rin hanggang ngayon. Bandang mga alas onse na ng gabi nang matapos ang inuman session ng mga oldies. “Jarra, matutulog na kami,” paalam ng Mama niya nang magsitayuan na ang apat na matatanda. Nauna ang mga magulang ni Vaughn tapos ay su