Kathrina
Maaga ako na gising ngayon at saktong hindi man lang sumakit ang ulo ko. Madaling araw na kasi ako na katulog dahil sa kakaisip kay James. Sana man lang na isip niya ang mga salitang binitawan niya sa tv.
Kong totoo man inilayo ko ang anak niya sana hindi ko na siya hinahanap sa ngayon. Kainis talaga siya! Purkit mayaman siya akala niya mabibili niya na lahat ng gusto niya gamit lang ang pera. Pagako talaga na ka harap siya makakatikim talaga siya sakin ng sapak at tadyak.
Kong alam naman pla niya na binuntis niya ako bakit hindi niya pa agad ako hinanap. Bakit kailangan niya pang abutin ng isang linggo. Tapus sasabihin niya na balak kong ilayo sa kanya ang anak namin.
Kong alam niya lang ang kalagayan ko ngayon ang mga pinagdaan ni Nadien malaman lang kong sino ang ama ng anak ko. Sana man lang magpakita na siya sakin dahil susumbatan ko talaga siya. Dahil sa kanya nasira ang kinabukasan ko. Paano na lang ang pagaaral ko. Hindi ako sigurado kong makakapagtapus pa ba ako ng grade 12 nito. Isang semester na lang graduation na, pero paano ako ngayon nito. Ayokong umakyat sa stage na malaki na ang chan ko.
Alam kong paguusapan lang ako ng mga ka-klasi ko. Mas ma buti na ngang tumigil na lang mo na ako ngayon. Makakapaghinatay naman siguro ang pagaaral.
Saktong pagbaba ko sinalubong agad ako ni Nadien. Magulo ang buhok nito at hindi pa maayos ang itchura niya. Siguro kakagising rin siya ka tulad ko.
"Kathrina may naghahanap sayo bilisan mo na dyan." wika ni Nadien.
"Sino po ba ang naghahanap bestie, ang aga aga nangbubulabog."
"Hindi ko nga rin alam, ang sabi kasi ng katulong James daw ang pangalan . Basta lumabas ka na lang at kausapin mo siya."
"Kainis naman to hindi pa nga ako naka kapagalmusal."
"Puntahan mo na lang kaya para ma tapus na at makakain na tayong dalawa."
"Oo na nga, lalabas na ako."
James? Sino kayang James ang naghahanap sakin at bakit ganito pa ka aga siya nagpunta. Habang papalapit ako sa pinto'an bigla na lang nagsitayu'an ang mga balahibo ko sa buong kong katawan at pumasok sa isip ko si James Padillia ang ama ng anak ko.
Bakit iba ang pakiramdam ko lalaking yun. Sana lang hindi siya ang James na pumonta dito. Hindi naman sa ayaw ko siyang maging kasama pero hindi sa ganitong paraan. Sana lang walang mangyaring masama sakin ka pag na kita ko siya. Baka kasi ma suntok ko siya ng wala sa oras pagnakita ko ang pagmumukha niya.
Saktong paglabas ko ng pinto na kita ko agad ang anino niya tumatayus sa gate namin. Buti na lang talaga walang may nagpapasok sa kanya dito sa loob. Hindi naman kasi siya welcome dito.
Nagmaaninag ko ang mukha niya dahil sa sikat ng araw. Doon konna napagtatno na siya nga ang kumoha ng dangal ko bilang isang babae. Siya nga ang ama ng dinadala kong sanggol. Nilakas konna lang ang loob ko at binuksan ang gate.
"Anong kailangan mo at sino ka?"pagmamatigas ko sabi sa kanya. Hindi dapat akong muli mahulog sa patibong niya. Okay na sakin na walang kami ang gusto ko lang naman na may makikilalang ama ang anak ko.
Tinignan ko lang ang mga mata niya at hindi parin ito nagbabago. Dahil sa mga mata niya naging mapusok at marupok.
"Is that how you welcome your husband?" seryosong wika nito.
"What? what are you talking about? Do I even kno you? Ang husband? Sure ka ba sa mga sinasabi mo?" akala niya siguro madali akong kausap pwes nagkakamali siya.
Hindi na ako ang dating Kathrina na unang bisis niyang na kita. Nagbago na ako simula ng mabuntis niya ako. Gusto ko talaga siya ngayon sapakin kaso pinipigilan ko lang ang sarili ko.
"You heard it clearly and you will be my future wife. Kaya nga ako nag punta dito para kunin ka at sumama sakin."
"Nagpapatawa ka ba? Are you out of your mind. Hoy! Wag mo kong lokohin kilala kita."
"Kilala mo naman pala ako bakit hindi ka pa sumama sakin!"
"Edi samahan mo ang sarili mo para may kasama ka. Umalis ka na hindi kita kailangan dito."
"Hindi ako aalis dito hanggat hindi kita kasama. Isang linggo kitang hinahanap kaya dito lang ako hanggang sa kusa ka ng sumama sakin."
"Akala mo ba siguro mapapasa mo agad ako. Nagkakamali ka."
Agad na akong tumalikod at isinara ang gate. Hindi ko na talaga kaya pang maglokohan sa kanya. Alam kong anak lang amg habul siya sakin kaya hindi ako papayag na sumamasa kanya. Kaya ko naman palakihin ang anak ko.
Sapat na sakin na malaman ko ang totoo dahil pagmalinaw ang kaisipan niya sasabihin ko naman sa kanya ang lahat. Hindi pweding sumama agad ako sa kanya. Kailangan niyang paghirap ako. Dahil sa kanya na wala na akong bahay.
Bakit baka kasi ang hirap niyang kausapin. Bakit kailangan niya pa akong isama. Pwedi naman na dito na lang ako sa susuportahan na lang niya ako.
"I don't come here just only for my baby but also for you."
"Kahit anong pilit mo hindi ako sasama sayo. Masnanaisin ko pa na tumari dito kita makasama ang lalaking sumira ng buhay ko ."
"Hindi ko sinira ang buhay mo. Ginawa ko yun dahil mahal kita "
Ano daw mahal niya ako? Nagpapatawa ba siya. Pagmamahal daw ang dahilan kong bakit nita ako minahal. May nabubuo bang one night stand sa ganon klasing set up.
Isa talaga siyang malaking hangal. Kong akala niya maniniwala ako sa mga sinasabi niya nagkakamali siya. Kahit kilan hindi na ako maniniwala sa kanya. Tangin gusto lang ang suportahan niya ang anak namin.
"Pwedi ba lubayan mo na ako. Hindi ko naman pagkakait sayo ang bata. Pero hindi mo parin ako ma pipilit na sumama sayo."
"Bakit ba ang tigas tigas ng ulo mo?"
"Dahil kinasusuklaman kita! Dahil sayo na butis ako. Dahil sayo na sira ang buhay ko. Isa kang napa kasinongaling na tao."
"Hindi ako nagsisinungaling."
"Pwedi bang umalis ka na lang sa haraoan ko kong wala ka namang mabuting sasabihin sakin."
"If that's what you want. Pero hindi parin ako titigil hanggat hindi kita na papasama sakin."
"Bahala ka sa buhay mo!"
Isinara ko na ang gate at mabilis na tumalikod sa kanya. Wala na dapat kaming pagusapan pa dahil napakasinongaling niya. Kahit kilan hindi ko siya makakakapagkatiwalaan.
Pagdating sa loob ng bahay sinalubong agad ako ni Nadien. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Kamusta? Kilala mo ba ang lalaking nagpunta dito?"
"Oo siya ang ama ng anak ko at balak niya akong kunin sayo."
"Hindi ako makakapayag dyan. Kong gusto niyang suportahan ang anak mo pwes siya ang pumunta dito."
"Yan ren ang sinabi ko sa kanya. Nadien maiwan mo na kita dito at babalik lang ako sa kwarto. Na walan na ako ng ganda dahil sa lalaking yun."
"Sige, magpahinga ka na mo na. Dadalhan na lang kita ng pagkain."
"Salamat talaga."
Pagdating ko sa kwarto mabilis kong sumampa sa kama at unti unti ng tumolo ang mga luha ko na kani na ko pa pinipigilan. Naiinis talaga ako sa kanya. Gusto ko siyang pagsasapakin dahil sa ginawa niya sakin.
Bakit ba kasi kailangan ako pa ang buntisin niya. Ang dami dami naman babae dyan. Anong akala niya siya sakin bayarang babaeng basta basta na lang niya ma kukuha.
Tignan na lang natin kong hanggang saan ang kaya niya. Kahit kilan hindi ako sasama sa kanya. Mahirapan na hindi ko pa naman siya kilala at baka kong anong gawin niya sakin pagnasa teretoryo niya ako.
Pinunansan ko na lang ang mga luha ko at muling tinignan ang litrato ng mga magulang ko. Ngumiti lang ako sa kanila.
Mama, Papa nahanap ko na po ang ama ng anak ko. Pinipilit niya akong sumama sa kanya at ayon hindi ako pumayag. Ma gabayan niyo po ako sa mga desisyon na ginagawa ko. Ginagawa ko lang naman ito para sa ikakabuti ko at sa ikakabuti ng anak namin.
----