Jairus Gael's P.O.V. Pagkahatid namin ni Seira kay Wayne ay nakaramdam na kaagad ako ng kaba, takot, at pagkabagot. Nasa rest house ngayon si Dad, bahay na katabi ng bahay nila Seira ngayon. Parang ayoko umuwi, paniguradong hahagupitin ako ng aking ama. "Nandito na tayo..." walang gana kong sabi at hininto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin at nila Seira. "Salamat sa paghatid, ako na rin ang bahalang sumundo kay Wayne mamaya." Tumango ako sa kaniya, hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Dad kanina sa call bago kami umalis ni Seira sa school. Natatakot akong sesantihin mismo ako ng sarili kong ama. Napabuntong hininga ako at tinanggal ang seatbelt ko. Pinanood kong bumaba ng sasakyan si Seira. Ako naman ay lumabas din para buksan naman ang gate ng bahay dahil ipa-parada ko sana a