Seira Anthonette's P. O. V. Kumakaripas ako ng takbo patungo sa silid ni Jairus, nag-aalala ako na baka kung ano nang nangyayare sa kaniya sa loob. Nakasarado ang pinto pero nang pihitin ko ang doorknob ay bumukas ito. Unang bumungad sa akin ang ilang basag na bagay sa sahig. Nakita ko si Jairus na nakatayo sa tapat ng kaniyang bintana. Nakatalikod ito sa akin. "Jairus..." mahina kong bigkas habang dahan-dahang naglalakad papalapit sa kaniya. "Seira, huwag ngayon. Please lang." Napatigil ako sa paglakad nang marinig ko ang boses niya. Dama ko ang sakit na nararamdaman niya mula sa kaniyang pananalita. Napabuntong hininga ako at tumingin sa paligid. "Kausapin natin ang Papa mo—" "W-What? N-Narinig mo ba lahat?" gulat niyang tanong at nilingon ako. Kitang-kita ko ang pamumula ng mga m