Seira Anthonette's P. O. V. Malapit na magdilim. Natapos ko na lahat ng trabaho ko dito sa bahay pero hindi pa rin sila umuuwi. Gusto ko nang tawagan si Jairus, baka kung ano nang nangyare sa kanila. Isang litrato lang ang sinend niya tapos wala nang update. Limang oras na silang magkasama, hindi ko alam kung intramuros lang ang pinuntahan nilang mag-ama. Kinuha ko ang cellphone ko at lumabas ng bahay, handa ko nang pindutin ang call button sa profile ni Jairus. Napatigil ako nang muli kong maalala ang mga sinabi ni Kuya Benjie kanina. "Sige... Hahayaan ko silang mag-ama kahit wala akong tiwala sa lalakeng 'yon," bulong ko. Muli akong pumasok sa loob ng bahay kahit hindi ako mapakali. Kumuha ako ng tubig mula sa ref at uminom, pilit kong pinapakalma ang sarili ko. "Hindi ko na talaga