Seira Anthonette's P. O. V. Nang matapos kaming kumain ay inayos ko na ang mga plato para hugasan sa lababo, nang si Jairus ay bigla na lamang tumayo saka hinawakan ang braso ko. Napatigil ako at napatingin sa kaniya. "Ako na mag-uurong, pagbihisin mo na si Wayne. Ang dumi na ng damit niya," aniya sabay tingin kay Wayne na tapos nang kumain. "Kaya ko naman, umuwi ka na sa inyo para makapagpahinga ka na. Mukhang napagod ka sa gala niyo ng anak ko," ani ko. Mahina siyang tumawa na parang nang-aasar pa. "Baliw, hindi ako napagod. Nag-enjoy nga ako. Masaya kasama si Wayne, parang ikaw." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Inagaw niya ang hawak kong plato kaya wala akong nagawa dahil dumiretso siya sa lababo. Napatingin ako sa kaniya habang naghuhugas siya ng plato. Hindi ko siya maint