Hindi man magawang aminin ni Jenny pero talagang masaya siya ng araw na iyon dahil kasama niya si Jason. Pakiramdam niya bumata ulit siya at bumalik noong panahong nasa kolehiyo pa silang dalawa. Bago ang pananghalian ay pinuntahan sila ng nanay niyang si Rowena at dinalhan ng makakain. Tuwang-tuwa si Jason at maganang kumain ng Sinigang na Spareribs na niluto ng kaniyang ina. "Marami pa ba?" tanong ni Rowena sa kaniya habang pinanonood silang dalawa ni Jason sa pagkain nila ng pananghalian. Tumango si Jenny. "Marami pa nay, pero sa tingin ko matatapos ko naman lahat ngayon kasi masipag itong assistant ko," aniyang sinulyapan si Jason na nakita niyang pinagpapawisan pa ang noo dahil mainit ang sabaw ng kanilang ulam. Hindi alam ni Jenny kung nabasa ba ng nanay niya ang iniisip ni