KATULAD ng sinabi ni Jason ay maaga itong dumating kinabukasan upang tulungan siya sa lahat ng gagawin niya sa pagbi-bake. "Nililigawan ka ba niya anak?" tanong ng nanay niya nang nasa kusina sila at naghahanda ng mesa para sa agahan. Napabuntong hininga si Jenny sa tanong na iyon at pagkatapos ay tinapos na ng tuluyan ang pagtitimpla niya ng kape. Inilapag niya ang tatlong tasa sa mesa saka hinarap ang nanay niya para sagutin ang katanungan nito. "Nagsabi siya sa akin Nay, nung nasa Baguio kami," pagsasabi niya ng totoo. Tumango-tango si Rowena sa isinagot niyang iyon. "Bakit parang hindi ka masaya? Hindi ba si Jason ang first love mo?" tanong ulit ng nanay niya na inilapag naman sa mesa ang isang bandehado ng umuusok na sinangag. "Hindi pa kasi ako ready Nay," iyon naman tala