SUMAPIT ang araw ng kaarawan ng ina ni Jason. At katulad ng naipangako niya ay siya na ang nag-ayos ng lahat ng kailangang ayusin para sa isang espesyal na hapunan na kung tutuusin ay apat lang silang magsasalu-salo. "Hindi ka ba pumapasok sa trabaho? Bakit parang ilang araw ka nang nandito sa Baguio?" naitanong niya kay Jason. Nasa supermarket sila noon para mamili ng mga kakailanganin sa lulutuin niyang mga putahe. Habang si Aling Malou nalang ang inutusan ni Mama Loida na mamalengke para sa mga iba pang mas mainam na bilhin doon. "Nagsabi naman ako sa kaibigan ko, baka natatandaan mo si Paul?" tanong ni Jason habang itinutulak ang cart. Sandaling tumahimik si Jenny saka inalala ang sinabing pangalan ni Jason pagkatapos ay tinitigan lang niya ito saka magkakasunod na umiling. "Bukod