KUNG kailan siya tinitigilang halikan ni Jason para magkaroon ng pagkakataong huminga, hindi alam ni Jenny. Dahil ang totoo pinakawalan lang ng binata ang mga labi niya pero hindi parin tumigil sa pananalakay ang nakakapaso nitong mga labi sa kaniya nang bumaba ang mga iyon sa leeg niya hanggang sa balikat niyang kanina pa nakabilad sa harapan nito. "Napakabango mo," anas ng binata saka walang kahirap-hirap na ibinaba ang kabilang bahagi ng roba niya na naiwang nakasabit sa kaniyang balikat. "Jason, please habang maaga pa, tumigil ka na," muli nang parang bahagyang bumalik sa tamang huwisyo at direksyon ang isipan niya ay iyon ang nanulas sa mga labi niya Jenny pero sa paanas na paraan. Narinig niya ang mahinang tawa na naglandas sa lalamunan ng binata bago nito hinawakan ang mukha niya