PART 14

1153 Words
JAROH's POV... . . . Biglang nagbukas ang pinto ng kuwarto ko kaya bigla ko ring isinara ang aking laptop. Busy lang naman ako sa pagbra-browse ng mga links, pero hindi dapat makita ni Sue kasi baka mabuking niya ang aking sekreto, ng sekreto namin ni Edz. "Jarooohhhh!!!" tili ni Sue sa pangalan ko sabay lundag niya sa aking kamang malambot. "Why are you here?" nakakunot-noong tanong ko sa kanya. Nagtanong pa ako, eh, alam ko namang mangungulit lang naman sa akin. "Ikaw! Ikaw ang ano ang nangyari sa'yo at hindi ka nagpapakita sa akin? May problema ba tayo?" Niyakap niya ang isang unan ko. Napakamot ako sa aking sintido bago sumagot. "Busy lang ako." "Kahit gaano ka pa ka-busy noon ay may time ka pa rin sa akin," pagpapaalala niya. Kahit kailan talaga ay kay hirap manalo sa babaeng ito. Sabagay, tama naman siya dahil daig ko pa siya nobya na hindi ko matiis ever since. Dahilan para pagkamalan tuloy kami ng marami na more than friends ang relasyon namin, ayaw lang namin aminin. Hindi nila alam na suwerte lamang si Sue dahil ako ang matalik niyang kaibigan. "May nilalagawan ka na ba? Or baka naman may girlfriend ka na?" Kahit wala akong kinakain o iniinom ay nabilaukan ako. "Wag mo akong artehan! Umamin ka!" Kaysa concern ay pinalo niya sa akin ang unan. "At saan naman galing 'yang tanong mo na 'yan? May nakita ka ba?" Maang-maangan ko kaysa sabihin may jowa ako pero hindi girlfriend kundi boyfriend. Tapos masaklap pa ay pinapahiram ko sa kanya para lang hindi siya masaktan sa katotohanan. Suwerte talaga siya sa akin. At ako naman ang malas sa kanya dahil daig pa baby na bagong panganak na alagain ko siya dahil sa sakit niya. Tss! "Kay Ivee," walang ano mang tugon niya. Kinuha niya ang remote ng TV at ini-on. Thank God at hindi ang laptop ko ang naisipan niyang buksan. "Maniwala ka ro'n," sabi ko lang. Ayaw ko naman masamain ang sinabi ng kanyang pinsan, dahil teknikaly tama naman si Ivee. "Sure ka?" "Oo nga." Inagaw ko sa kanya ang remote ng TV at hininaan ang pinapanood niya. Malakas, eh. Nga lang hindi naman na siya nanood, iyong cellphone ko naman ang kinalikot niya. "Bakit ganito ang name ni Edz dito sa contacts mo, D4L?" Alam ko namutla ako dahil naramdaman na parang bumaba lahat ang dugo ko sa ulo ko sa aking katawan. "Akin na nga 'yan!" Dinukwang ko sa kanya ang cellphone kaysa sumagot. "Bakit D4L?" "W-Wala. Kami sa team lang ang nakakaalam niyan," palusot ko habang iniiba ang password ng phone ko. Lumabi siya. Hindi naniniwala siguro dahil kung makatingin siya sa akin ay wagas. Pailalim, na siyang lalong nagpailang sa akin. However, wala akong balak aminin ang totoong meaning ng D4L dahil kung sakali ay baka atakehin ng sakit niya si Sue. Sapagkat ang D4L ay DUDE FOR LIFE. Corny pero kagagawa ni Edz. Actually, si Edz ang nagpalit ng name niya sa contacts ko. Natatandaan ko pa nga na tuwang-tuwa si Edz sa kalokohan niya noon. Ang una niya kasing inilagay MOS, na ang ibig sabihin naman ay My Only Sweetheart, kaso hindi ako sumang-ayon dahil kako alam na iyon ng marami at malamang pati si Sue alam din niya ang ibig sabihin ng MOS. Sinabi ko noon kay Edz na dapat ang ilagay niya ay iyong hindi halata para kahit kalikutan ni Sue ang phone ko ay hindi ito manghihinala. Heto na nga't nangyayari. "Code namin sa team. At hindi ko pwedeng sabihin sa'yo," I insisted. "May mga ganyan-ganyan sa basketball?" Curious na curious siya. "Oo nga. Kaya ngayong nalaman mo ang code ni Edz ay sekreto lang, kundi I'm doomed. Maaalis ako sa team," paninindigan ko pa rin sa alibi ko kahit na  nakakatanga. "Okay," finally she dealt. Ang ikinunot na naman ng kilay ko ay ang gesture niya na parang nanlalamig habang nakangiti nang matamis. "Ano'ng nakakakilig?" "Kinikilig ako kasi may nalaman akong malupit na sekreto ni Edz. Ayiee." Umasim ang mukha ko. Hindi ko talaga maintindihan bakit ganito kiligin ang mga babae. Kinilig din naman ako kay Edz noon pero hindi ganito na parang baliw. Napailing ako. Sana lang talaga ay hindi muna malaman ni Sue ang sekreto namin ni Edz. Nakikinita ko na kasi na kung hindi man si Sue ang mamamatay ay ako ang papatayin niya. Kinilabutan ako sa mga na-imagine ko kung paano niya ako papatayin.  "Nakita mo ba kanina si Edz," saglit ay pag-iiba ni Sue ng topic. Kinikilig na talaga, iyong halos mapunit ang damit niya sa kakahila niya. "Alam mo ba, nagulat talaga ako kanina kasi hinintay talaga niya ako para sabay kaming pumasok sa school." Simpleng "Ow?" lamang ang sinabi ko. Hindi alam ni Sue ay nakita ko iyon kanina. At ang totoo ay ako ang nagpilit kat Edz na gawin iyon. Nakita nga ako ni Ivee, eh, buti na lang at saktong dumaan kanina si Pam. Kunwari may tinanong ako kay Pam tapos ay nakisabay na ako ng lakad. Wait. Napaisip ako, at na-realize na baka napagkamalan ni Ivee na pinupormahan ko si Pam kanina kaya gano'n ang mga nasabi niya kay Sue. Tumaas ang gilid ng labi ko. Ngayon ay naiintindihan ko na. Pero bakit naman gano'n agad ang naisip ni Ivee? Hindi ba pwedeng magtanong at makisabay sa isang babae na walang issue? "Ang sweet ni Edz," parang nasa alapaap na sabi ni Sue na siyang umuntag sa akin, pagkuwa'y kinumpare niya ako. "Salamat, hah? The best ka talaga, best friend." Nakaismid na inalis ko ang kamay niya sa balikat ko. "Don't worry, kapag may crush ka na rin ay sabihin mo lang. I will help you too. Ilalakad din kita." "No, thanks. Ayos na sa akin ang maging masaya ka," kunwari ay sensero ko na lang na sabi. "Ayiee!!" Tuwang-tuwa si Sue na pinulupot sa aking leeg ang kanyang mga braso. "Saan mo gusto magmiryenda?" "Libre mo ako?" "Oo naman. Bihis na." "Sige. Mas gusto ko 'yan kaysa sa mga kadramahan mo." Tumayo na ako para maligo. . . . SUE's POV.... . . . Ngiting-ngiti ako na sunod tingin kay Jaroh, pumasok siya sa banyo para maligo. Ang suwerte ko talaga at naging kababata ko si Jaroh. Wala akong masabi sa aking kaibigan. Totoong the best. Habang hinihintay ay naghanap muna ako nang mapaglilibangan. At 'yung laptop ni Jaroh ang napansin ko. Napangisi si ako. Matagal-tagal na rin na hindi ko nakalikot ang laptop ng aking kaibigan. Madaling binuksan ko na iyon at sakto naka-on pala. Napatingin ako at napaismid sa pinto ng banyo, siguro sinara ni Jaroh ng dumating ako kasi may ginagawa siyang kababalaghan. "May sekreto ka, ah?" sabi ko sa sarili na nangingiti. Pinindot niko ang enter. Naka-online pala ang laptop at nasa Yahoo Search. Binasa ko ang nire-research ni Jaroh at napakunot-noo ko. 'HOW TO SURPRISE MY BOYFRIEND?' Nakagat ko ang aking hintuturo. Bakit ganito ang nire-research ni Jaroh?..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD