SUE's POV
.
.
.
Hindi na ako nag-abala pa na tanungin kay Jaroh ang nabasa ko sa laptop niya. Malinaw naman na may ibang tao na nagpapatulong kay Jaroh about doon. Baka mga pinsan niyang babae na gustong i-surprise ang kanyang boyfriend. Not a big deal. And if I'm not mistaken ay baka si Nana na nasa probinsya.
Maliban sa akin ay close rin si Jaroh kay Nana kahit na madalang silang magkita na magpinsan.
"Kanina ka pa nakatingin sa bouquet na 'yan, ah. Gusto mo bang bilhin?" tanong ko kay Jaroh nang tumigil kami sa isang flower shop sa mall na pinuntahan namin para magmiryenda.
Tapos na kami sa meryenda, nagwi-window shopping na lang kami. Lakad-lakad, tingin-tingin at baka may magustuhan.
"Sana," ani Jaroh.
"May balak kang pagbigyan? Kanino? Eh, sabi mo wala ka pang girlfriend at nililigawan?"
Nailing at napangiti lang sa akin ang aking kaibigan tapos ay pumasok na siya sa flower shop na iyon. Mukhang disidido na bibilhin nga.
Nagtataka man ay sumunod ako kay Jaroh.
"Sir, ano pong hanap nila?" assist agad sa amin ng saleslady at flower arranger na rin dahil kasalukuyang nag-aayos siya ng malaking bouquet of flowers.
"A bouquet for anniversary, miss?" sagot ni Jaroh. Napansin ko pang nagningning ang mga mata niya.
"Ah, doon po tayo, Sir. Pili po kayo roon. Madami po tayong mga magagandang bouquet ngayon," magiliw na wika ng saleslady habang iginigiya niya ang kamay sa amin sa dako kung nasaan ang tinutukoy.
"Para kanino nga? Sinong mag-a-aaniv?" usisa ko sa kanya habang nakabuntot pa rin ako sa kanya.
"Hindi mo sila kilala," nakangiti niyang sagot. Pumili agad siya sa mga naggagandahang bouquet of flowers. Inaamoy-amoy pa.
Nakipili rin ako. Magkatabi kami. "Heto ba iyong nire-research mo kanina na How To Surprise My Boyfriend? May nagpapatulong ba sa'yo? Sina Nana at bf ba niya ang mag-a-anniversary?"
Bigla ay nagbago ang timpla ng mukha ni Jaroh. Wari ba'y may nasabi akong hindi maganda gayung nagtatanong lang naman ako.
"Pinakialamanan mo na naman ang gamit ko?" Salubong ang kanyang kilay na nilinga niya ako.
"Ito maganda." Para makalusot sa pagkairita niya sa akin ay nagkunwari akong nakapili na. Itinaas ko ang white roses waterfall bouquet.
"Pangkasal naman 'yan," angal ni Jroh.
"Hindi mo ba alam? Ito ang pinakadalisay na flowers kasi white na nga rose pa," giit ko.
Parehas kaming walang alam sa mga bulaklak kaya sure akong mauuto ko siya.
"Oh, sige, heto na lang." Nang ayaw pa rin niya sa pinili ko ay kinuha ko ang bulaklak na unique sa aking paningin. Basta kulay orange ang mga bulaklak.
"That's a bouquet of orange gerberas, Sir, Ma'am. Symbolizing the enthusiasm and a definite joy." Buti na lamang ang tinulungan ako ng saleslady.
"Oh, joy raw. Syempre masaya naman siguro sa isa't isa ang tinutulungan mo niyan kasi mga inlababo. Kaya tama lang iyang pinili ko. At saka gasgas na ang bouquet of rose, iba naman," ayuda ko.
"Sige na nga," napilitan na ngang sabi ni Jaroh. Kinuha na niya iyon sa akin at binigay sa saleslady.
"Kanino mo ba 'yan ibibigay? Sabihin mo naman," pangungulit na tanong ko ulit kay Jaroh.
"Sa isang special friend lang," makahulugang sagot ni Jaroh.
"Kuh, gumastos ka pa. Dunkin donut okay na 'yon sa'kin," masiglang wika ko dahil nagkunwari ako na ako ang bibigyan ni Jaroh ng bulaklak. Kung sabagay ako lang naman ang special friend niya bago dumating si Edz na barkada niya. Alangang si Edz ang tinutukoy niya. Ano sila mga bakla? Yuck!
Bahagyang binatukan ako ni Jiroh sa ulo. "Hindi ikaw!"
"Aray!" asik ko sa kanya. "Eh, kanino? Akala ko ba ako lang ang special and one and only bestfriend mo?" nakalabi at nagtatampu-tampuhang angal ko habang himas-himas ang ulo ko na kanyang binatukan.
"Let's just say na sunod siya sa'yo kaya special din siya sa'kin," nakangiting wika ni Jaroh sabay akbay sa akin.
"Echosera!" Itinulak ko siya sa pisngi. Kahit ang totoo ay kinilig ako. Proud ako, eh. Proud ako na best friend ko si Jaroh na napaka-guwapo na, eh, ang bait-bait pa.
PAGDATING sa bahay namin.
"Alam mo bang may nililigawan na pala si Jaroh?" ay agad na imporma ko kay Ivee. Tinutulungan niya akong magdilig sa garden namin. Dinidiligan ko ang mga orchids ni Mommy.
"Ows?" hindi makapaniwalang reaksyon ni Ivee. Her eyebrows flew up.
"Oo, kaya magtigil ka na sa kasasabing kami ang magkakatuluyan," I said, unable to suppress my smug grin.
"Pano mo nalaman?" matabang na tanong ni Ivee. Nakasimangot na siya. Talo siya, eh.
"Bumili siya ng bulaklak kanina"
"Malay mo sa'yo niya din 'yon ibibigay?"
"Hindi nga daw kasi para sa second place na special friend daw niya"
"Second place?"
"Ako kasi 'yung first place," natawang sabi ko.
Nailing na lang si Ivee.
"Sue?" Bungad ng daddy ko.
Agad ko siyang nilingon. "Bakit, Dad?"
"Samahan mo ako saglit?"
"Saan po?"
"May kukunin lang ako sa bahay ng ninong mo, at gusto ka raw makita."
Wala naman akong gagawin kaya pumayag na ako. Galing daw kasing States ang ninong ko na iyon. Saka excited ko na rin siyang makita kasi bata pa lang daw ako noong umuwi iyon dito sa Pilipinas.
"Ivee, ikaw na muna bahala dito sa bahay," utos ng Dad ko sa pinsan ko saka kami umalis.
Si Ivee ay tinutulungan ni Dad sa kanyang pag-aaral kaya kusa itong tumutulong sa bahay namin. Ayaw sana ni Dad pero mapilit ang aking pinsan, hanggang sa nakasanayan na lang namin na halos araw-araw ay kasama namin siya sa bahay.
.
.
.
SA KOTSE..
Tahimik lang na nakikinig ako sa I-pod ko buong drive. Hanggang sa napansin kong padaan kami sa way sa bahay nina Edz. Na-excite ako na tinanggal ko ang headset ko sa aking tainga. Pero anong pagtataka ko nang makita ko si Edz sa labas ng gate ng bahay nila.
"Dad, tigil muna tayo saglit," taranta kong sabi kay Daddy. May kausap kasi si Edz na nakasakay sa taxi.
"Bakit?" nagtaka man ay tinigil naman ng Daddy ko ang kotse.
Hindi ko sinagot ang Daddy ko bagkus ay dali-dali akong bumaba. Sayang lang at umalis na ang taxi.
Ewan ko pero kinabahan ko.
"Edz, wait..." Papasok na si Edz sa gate ng malaking bahay nila kaya atubiling tawag ko rito para mapigilan siya sa pagpasok.
Humarap si Edz sa akin.
"Sue, ikaw pala. Kanina ka pa?" Halatang nagulat ang binata at sumulyap sa papalayong taxi.
"Oo, sino 'yon?" tanong ko na tinuro ang taxi.
"Uhm... i-isang special friend" atubiling sagot ni Edz. Hindi siya sure.
May kung anong kumirot sa puso ko. Naisip ko kasi na baka babae iyon. Nanlulumo na bumaba ang tingin ko. Nga lang ay nag-iba ang timpla ng mukha ko nang napansin ko ang hawak ni Edz.
Isang bouquet of orange gerberas, at parang nakikilala ko...........