SUE's POV
.
.
.
"Ang ganda naman ng mga bulaklak na 'yan?" maang-maangan na pansin ko sa hawak-hawak na bouquet ni Edz. No, ayaw ko pang mag-isip ng hindi maganda.
Tipid na ngumiti si Edz sa akin.
"Binigay sa'yo?" tanong ko pa. Even if my heart was about to burst. Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit ako nasasaktan? Ano naman ngayon kung kay Edz binigay ni Jaroh ang bouquet na binili namin kanina?
"Oo, bigay ng isang special friend ko." Napakatamis na ang naging ngiti ni Edz. Kung hindi ako nagkakamali ay nakitaan ko pa ng kilig ang gesture niya nang sinulyapan niya ang hawak niyang bulalak.
Shit, anong ibig sabihin nito?
Napaatras ako ng isang hakbang. Awtomatiko na nag-rewind sa isipan ko ang pag-uusap namin ni Jaroh kanina nang bilhin namin ang bulaklak na iyon.
"Kanino mo ba 'yan ibibigay? Sabihin mo naman," pangungulit na tanong ko ulit kay Jaroh.
"Sa isang special friend lang," makahulugang sagot ni Jaroh.
Umawang ang mga labi ko na napatitig sa bulaklak na iyon. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Parang lumaki ang ulo ko. Daig ko pa ang nakakita ng multo. At ang dibdib ko tumataas-baba na. Ang puso ko, nagwawala na.
Si Edz man ay tila nabahala na. "Sue, are you okay?"
Hindi ako makasagot, napahawak lang ako sa bandang dibdib ko. Sa bulaklak pa rin na gerberas ako nakatingin. Parang nakita ko pa ang mukha ni Jaroh habang binibigay iyon kay Edz.
"Sue, please speak up. Ayos ka lang ba?" Hinawakan ako ni Edz sa braso. "Relax lang. Huwag kang mag-isip ng masama dahil girl 'yong nagbigay sa akin ng flowers na 'to. Isa sa mga fans."
Subalit lalong naguluhan at nagtatanong ang mga mata ko na iniangat ko ang tingin ko sa mukha ni Edz.
"Sinungaling ka!" walang kaalam-alam si Edz na hiyaw ko sa aking isipan. Sinungaling sila ni Jaroh. Parehas sila.
"Sue, tara na." Pasalamat ko at tawag na sa akin ni Daddy.
Napatingin sa kagalang-galang na lalaki si Edz at bahagyang niyukuan nito ng ulo ang dad ko bilang paggalang kahit nasa medyo di-kalayuan ito.
"Is he your dad?" tanong niya sa akin.
Imbes na sumagot ay bigla na lang akong nagtatakbo paalis patungo sa kotse namin. Sumakay agad ako at wala na akong pakialam kahit kasama ko si Dad, pinakawalan ko na ang mga luha ko.
"Umiiyak ka ba?" puna na nga sa akin ni Dad. Kahit hindi ko siya tiningnan ay alam ko na chineck niya ng tingin ang dibdib ko.
At dito ako minsan naiinis. Dahil sa sakit ko ay bawal akong umiyak, bawal akong mapagod, bawal akong maging masaya ng sobra-sobra, kung hindi ay ikakamamatay ko.
Pinipilit kong balewalain ang aking sakit pero sa tuwing gusto kong maging malungkot ay nag-aalala naman si Dad, pati na rin kapag masaya ako. Parang ang tanga lang.
"Anak, kumalma ka lang, hah? Wala tayong dala na gamot mo?" bilin sa akin ni Dad.
Tumango ako. "Tara na po, Dad. Don't worry, I'm fine."
Ini-start na nga ni Dad ang makina ng kotse. Sa side mirror ko na lamang huling sinulyapan si Edz. At nakita ko na nakatingin pa rin siya sa amin papalayo. Halata sa hitsura niya ang pag-aalala.
Obviously, alam niya ang tungkol sa deperensya ng puso ko. At sure ako na dahil kay Jaroh. Malamang ay napagkwekwentuhan ako ng dalawa.
Nasapo ko ang aking dibdib dahil naramdaman ko na naman ang pagkirot. Hindi dahil sa sakit ko kundi dahil sa ginawa sa akin ni Jaroh. Bakit? Bakit kay Edz binigay ni Jaroh ang bulaklak? Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ng special friend na sinabi nila.
Napatingin ako sa aking ama. "D-dad?" at malamya ko na agaw pansin sa kanya.
"Ano 'yon? Ano bang nangyayari sa'yong bata ka? May nararamdaman ka ba? Ayos ka lang ba talaga?" Nabahala na talaga ang aking daddy. Palinga-linga siya sa akin habang nagmamaneho.
"Dad, is it normal for a man to give flowers to his guy friend? Or sa barkada niyang lalaki? Tapos ay bouquet pa?" may alinlangan man ako ay naitanong ko pa rin sa aking dad. Gusto ko talagang maliwanagan. Nakakadiri na kasi ang mga pumapasok sa aking isipan na mga reasons.
Natawa si Dad bago sumagot. "Ano ka ba naman, anak? Syempre hindi. Ano sila mga bakla?"
Lalong napakunot noo ko. Sa totoo lang iyon ang naiisip ko na dahilan, indial lang ako.
"Hindi sila mga bakla, Dad," pagtatanggol ko kina Edz at Jaroh. Impossible kasi. Lalaking-lalaki sila. Naglalaro pa nga sila ng basketball kaya paano sila magiging bakla?
Parang sumakit ang aking sintido na napahawak doon. Parang nahugutan ako ng lakas na naisandal ko ang likod ko sa upuan ng kotse.
"Mukhang may problema ka nga. Sabihin mo sa'kin, sino ba ang mga tinutukoy mo? Iyong bang kinausap mo kanina? Siya ba ang bakla?"
Hell no. Hindi pwedeng maging bakla si Edz.
"W-wala po, pero pwede bang dalhin mo ako sa bahay nina Jaroh, Dad?"
"Bakit? Eh, sa ninong mo tayo pupunta?"
"Basta po. Mahalaga ito, Dad. I want to talk Jaroh righ away kundi mababaliw po ako."
Dad slowed the car as he turned to study my sad profile. "Okay, sige. At kung ano man iyang problema niyo, pag-usapan niyong maigi."
Madaming tango ang ginawa ko bilang sagot.
FOR LONG MINUTES we traveled in silence, nakarating din kung saan-saan ang aking isipan. Gulong-gulo ako.
Mabuti at saglit lang ay narating na namin ang bahay nina Jaroh or else ay baka nabaliw na ako kakaisip nang malalim. Alam kasi ni Dad ang mga short cut na daan.
"Nana Martha, si Jaroh po?" tanong ko agad sa kasambahay nina Jaroh nang makapasok ako sa bahay nila. Sinabi ko na lang kay Dad na sabihin niya kay ninong na next time ako bibisita sa kanila.
"Nasa swiming pool, iha," tugon sa akin ni Nana.
"Thank you po." Malalaki ang hakbang kong sinugod ang aking kaibigan. At nakita ako agad si Jaroh sa gilid ng pool. Nakatalikod ito at may kausap sa cell phone kaya hindi niya agad naramdaman ang aking presensya.
"Ja--" Papansin ko sana pero hindi ko naituloy ang pagtawag ko sa kanya dahil ang lakas ng boses ni Jaroh. Galit siya, galit siya sa kausap niya sa cell phone kung sino man iyon.
Natigilan ako.
"Hindi mo dapat siya sinagot! Paano kung napahamak siya? Alam mong may sakit si Sue?!"
Alam ko, naramdaman ko na nag-stop ang t***k ng puso ko.
"No, hindi ako galit, Dude. Pero paano kung... paano kung maisip niyang iba tayo? Tapos hindi niya matanggap? Napag-usapan na natin iyon, 'di ba? I told you many times na puwedeng ikamatay ni Sue 'pag nalaman niya ang katotohanan about sa ating dalawa."
Tumulo ang mga luha ko. Hindi pa rin ako makahinga.
"Sana nag-ingat ka, Dude. Alam mo na ayokong malaman niya na mga bakla tayo."
Napanganga na ako dahil nauupos na ako. Nauubusan na ako ng hangin. Diyos ko! Bakla nga sina Edz at Jaroh!
"Okay, sige mag-usap na lang tayo bukas. Bye?" Badtrip na badtrip ang tinig ni Jaroh. Wala pa rin siyang kaalam-alam na nasa likod niya ako at narinig ko ang lahat.
At nang malingunan niya ako ay para na siyang nabuhusan ng pagkalamig-lamig na tubig.
That was the time na nagdilim na ang paningin ko.
"Sueeeee!!!!" hiyaw ni Jaroh na huli ko pang narinig..........