PART 17

1214 Words
SUE'S POV . . . "Sue..." Narinig kung sabay-sabay na boses na nagsambit sa pangalan ko nang sinubukan kong imulat ang mga mata ko. "Suezane, please open your eyes," boses naman ni Jaroh. "Manang, tumawag ka ng ambulansya! Bilis!" sigaw rin nito. Habol-habol ko ang hininga ko na napatitig sa mukha ni Jaroh nang sa wakas ay nagawa ko ngang imulat ang mga mata ko. "B-bakla ka?" at pilit na itinanong ko kay Jaroh nang bumalik sa aking balintataw ang hindi sinasadyang pagkarinig kong usapan nina Jaroh at Edz sa cell phone. Gitla si Jaroh na napatitig sa akin. Natuwa kahit paano na nagkamalay ako, pero mas bakas sa mukha niya ang labis-labis niyang pag-aalala para sa akin. Namumutla ang kanyang mukha at pinagpapawisan. Namumula rin ang kanyang mga mata sa nagbabadya niyang mga luha. At para ba'y parehas na kaming may sakit na Arrhythmia dahil grabe rin ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib. Takot na takot si Jaroh para sa akin. Mahigpit na kinalumos ko ang kanyang kwelyo nang hindi niya ako sinagot, habang hinahabol ko pa rin ang paghinga ko. "K-kayo ni... ni Edz?" "Huwag ka nang magsalita! Ano ba?!" madiin niyang sabi sa akin. Pagalit pero concern na concern. Naluha na ako. Hindi man niya tinugon ang tanong ko ay sapat na ang pag-iwas niya na sagutin iyon upang malaman ko ang totoo niyang pagkatao. Ever since akala ko kilalang-kilala ko ang taong ito na nasa aking harapan, pero hindi pa pala. Ang sakit sa damdamin na malaman na estranghero pala ang lalaking pinagkakatiwalaan ko simula pagkabata. Hindi ko pala siya kilala. Isang taong nagpapanggap lang pala ang Jaroh ito. He betrayed me. He lied to me. Napanganga ako kasi hindi ko na magawang huminga. Pakiramdam ko ay tumigil na ang lahat sa paligid ko. Wala na rin akong marinig. Wala na rin akong maramdaman. "Sue?!" Alam ko na niyugyog ako nang niyugyog ni Jaroh. "Don't close your eyes! Please!" Nabasa ko rin na buka ng bunganga niya. Gusto ko ulit siyang sundin pero kusang nagsarado na ulit ang mga mata ko. At least, kahit sa huling sandali ay nalaman ko ang tunay na pagkatao ng best friend ko. Nauunawaan ko na kung bakit ayaw noon ni Jaroh na magkalapit kami ni Edz, dahil ayaw niyang masaktan at takot siya na mangyari ito sa akin. Sana lang ay malaman pa ni Jaroh na wala siyang kasalanan sa nangyaring ito sa akin. Sana malaman pa ni Jaroh na hindi niya kailangang magtago ng pagkatao dahil lang sa akin. Sana maging masaya sila ni Edz ngayong wala na ako........ . . . ********* JAROH'S POV... . . . TIIIIIIIIIT - mahabang tunog ng heart monitor sa ICU na kinalalagyan ni Sue. Sibukan ng doctor na i-revive siya pero sa bandang huli ay in-announce na niya ang time of death ni Sue. "Sue!!!" sabay na palahaw namin ni Ivee after naming marinig iyon. "Suezane, anak!!" hinagpis naman ng Dad ni Sue. Niyakap niya agad si Sue. Pinatabi kami ng nurse nang nagsidatingan sila para malaya nilang ma-revive si Sue.  Wala silang nagawa kundi ang umiyak at magdasal. Sa loob ng dalawang araw ay ilang beses nang nag-flat line si Sue. Eventually, the doctor shook his head nang tumingin ito kay Mr Ruel Villareza. Nakita ko iyon. And this time ay ako na ang unang yumakap kay Sue. Tinabig ko ang mga nurse. "Sue, gumising ka! Hindi ka pwedeng mamamatay! Huwag kang magbiro ng ganito, Sue! Sue!" Si Ivee ay napaupo na lamang. "Time of death, 12:19 pm," declare na nga ng Doctor. Napayuko na lamang Mr. Ruel. "Sue, naman, eh!" Ako ang nagpatuloy na gisingin si Sue. Hindi ako papayag. Dapat siyang gumising. Humahagolgol na ako. Eventually, wala akong nagawa. Kahit lumuha pa ako ng dugo ay wala na talaga si Sue. Iniwan na ako ng aking kaibigan. And it's all my fault.  "Edz, wala na si Sue," imporma ko kay Edz nang sagutin ko ang tawag niya. Tawag kasi nang tawag kaya napilitan ko nang sagutin kahit na wala sana akong balak makipag-usap pa sa kahit na sino. "Anong wala na?" Halata sa boses ni Edz ang pagkasindak. Napatungo ako. Nakaupo ako sa isang bench ng hospital habang hinihintay ko sa morgue ang katawa ni Sue. Ako ang nagpresinta na mag-asikaso sa bangkay ni Sue. Pumayag naman si Tito Ruel at Ivee. Aayusin na lang daw nila ang bahay para sa magiging burol ni Sue. At nawawala ako sa sarili ko kanina pa. Actually sobrang naiinggit ako kina Ivee at Tito Ruel na tila agad nilang natanggap ang pagkawala ni Sue. Masasabi ko na ang tapang nila kahit na alam ko na pinipili lang nila na magpakatapang dahil kung hindi ay walang mag-aasikaso kay Sue sa mga huling araw niya rito sa lupa. "N-Nalaman niya ang tungkol sa atin. Tapos inatake siya ng sakit. Dude, hindi niya nakayanan," sagot ko. Nag-unahan na naman ang pagtulo ng mga luha ko. Sinisisi ko talaga ang sarili ko sa nangyari kay Sue. "What?! How did she know?! At anong ibig mong sabihin na hindi niya nakayanan?!" Ang lakas ng boses ni Edz. "Wala na siya. Cardiac Arrest. Nandito ako sa morgue. Hinihintay siya habang inaasikaso," sabi ko at napahagulhol na. Hindi na ako nahiya kay Edz. Umiyak na ako nang umiyak. Natahimik naman si Edz sa kabilang linya. Alam ko, kahit siya apektado rin. "Pupunta ako riyan. Nasaan kayong hospital?" "Malvaro," tipid ko na sagot. Saglit nga lang ay dumating si Edz. Humahangos siya. Nagyakap kami nang mahigpit. Wala na kaming pakialam if may makakita sa amin. Inilabas ko lahat ng sama ng loob ko sa pagkawala ni Sue. Ang tagal kong inalagaan ang damdamin ni Sue, pero ako rin pala ang magpapahamak sa kanya. Napakawalang kwenta kong tao. Ang sama kong kaibigan. "Narinig niya ako sa cellphone kanina habang kinakausap kita," sabi ko kay Edz nang kahit konti at kumalma ako. Nakaupo na kami sa bench at tahimik na nag-uusap. "Sorry," ang nasabi lang ni Edz. "Ako ang may kasalanan dahil hindi ako nag-ingat." Mabigat na katahimikan muna. "Alam na ba nila na tayo ang dahilan kung bakit inatake siya ng sakit niya?" dikawasa'y pambabasag niyon ni Edz. Umiling ako. "Hindi pa ako nabibigyan ng chance. Hindi ko pa nakakausap si Tito Ruel." "Dapat nilang malaman." "Pero malalaman nila ang kung ano talaga ako." "Dude, nawala si Sue dahil diyan sa pagpipilit mo pa rin na itago ang totoong ikaw! Tama na ang pagtatago! Bakla ka at hindi mo iyan maitatago habambuhay! Tama na kasi!" Dumiin ang boses ni Edz. "Siguradong magagalit sa akin si Tito Ruel at ni Dad." "Then face it! Don't tell me na itatago mo na lang ang katotohanan ng sanhi ng pagkamatay ng best friend mo dahil sa ayaw mong ipaalam ang kabaklaan mo?! Kilabutan ka naman, dude!" Napa-sh*t ako sa sarili ko dahil tama naman si Edz. Gusto kong sapukin ang sarili sa kaduwagan ko. "Dude, huwag mong hintayin na may mapahamak ulit. Mag-out ka na," mayamaya ay mahinahon na sabi sa'kin ni Edz. Hindi na ako nakasagot dahil may dumating. "Sir, kami po ang purenarya na tinawagan niyo," tinig na nagpatigil sa aming pag-uusap. Tumango lang ako sa dalawang lalaki. Nakita ko na lang na si Edz ang nakipag-usap sa kanila. Balik ako sa pagkatulala. Gusto ko nang mabaliw..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD