SUE'S POV...
.
.
.
"Ang saya mo, ah?" pansin ni Ivee sa akin.
Ngiting-ngiti na tumingin ako sa kanya. Sa tingin ko ay walang makakapuknat ngayon sa mga ngiti sa labi ko. "Syempre daig ko pa nanalo ng jackpot sa lotto, insan," sagot ko saka nagsubo nang nagsubo sa sitseryang kinakain ko.
Nanonood kaming magpinsan ng TV pero hindi ko naman iniintindi ang palabas. Nasa cloud nine pa rin kasi ang pakiramdam ko pagkatapos nang nangyari kahapon. Iyong nakasama ko si Edz.
"And why? Kayo na ba ni Jaroh?"
Napaubo ako. Nagtalsikan tuloy ang nginunguya kong setserya.
"Hala! Ang dugyot mo!" angal ni Ivee dahil pati siya ay natamaan sa setserya na naibuga ko. Well, serves her right dahil kung anu-anong binabanggit ng kanyang bunganga.
"Sorry, sorry," ani ko sabay punas sa bibig ko.
"Grabe ka," busangot ang mukha na sambit ni Ivee. Nakairap siya sa akin habang pinupunas niya ang mukha.
"Ginugulat mo kasi ako, eh," pagtatanggol ko sa sarili ko. Magkagayunman ay natatawa pa rin ako. Pasalamat niya at maganda talaga ang mood ko ngayon kundi nakalbo ko na siya.
"Ano naman ang nakakagulat sa sinabi ko?"
"Alam mo naman kasi na higit pa sa magkapatid na ang turing ko kay Jaroh pero push ka pa rin nang push diyan sa sinasabi mong kami rin sa huli ang magkaka-in-love-an. Nakakadiri ka."
"Nagsasabi lang ako ng totoo dahil alam ko na mangyayari talaga 'yon. Kahit pustahan pa tayo," paninindigan ni Ivee sa pinaniniwalaan niya.
Nagkunwari akong masusuka.
"Ew!" Umiwas naman siya.
Nagtatawa ako kasi napatalon pa talaga siya sa couch. Ang arte.
Inirapan niya ako nang nakuha niyang bluff ko lang iyon. Umayos siya ng upo. "Ano ba kasi ang nangyari sa'yo? Bakit ang saya mo? Binibitin mo ako, eh," balik topic niya.
Maglalagay ulit sana ako ng isang dakot na setserya sa aking bunganga pero pinigilan ako ni Ivee.
"Sagutin mo muna ako."
"Kasi nga close na kami ni Edz. Friends na kami ni mylabs ko. Pinakilala na ako ni Jaroh sa kanya. Actually, kahapon lang pero doon kami agad sa bahay nila nag-bonding. At ang hindi ko inasahan ay ang sweet niya pala kahit na parang ang suplado niya sa school. Tapos nakaka-in-love siya magsalita, lalaking-lalaki, saka napaka-gentleman din niya," kilig na kilig ko na ngang pambibida kay Edz sa kanya. Dire-diretso na ang bunganga ko sa pagkukuwento. "Nanood kami ng movie, then nagmiryenda. Kung wala lang siguro si Jaroh ay pwede na iyong tawaging date. Kainis kasi si Jaroh ayaw umalis."
Lumabi si Ivee. "Kasi nga deep inside ay nagseselos si Jaroh."
Inirapan ko siya. "Ayan ka na naman."
"Ah, basta hindi ako naniniwala sa mga pinakita sa'yo ng Edz na 'yon. Huwag assuming at baka wala iyong ibig sabihin."
"At bakit naman?" Sinimangutan ko siya. Kahit kailan talaga ay bruha ito.
"Kasi if I know baka pinakiusapan lang 'yon ni Jaroh na tratuhin ka nang mabuti. Kung hindi naman baka kasi dahil nga barkada sila ni Jaroh na kababata mo kaya pinagbibigyan ka."
Humaba ang nguso ko. "Kontrabida lang? Ang bad mo. Try mo kayang maging masaya na lang para sa'kin at hindi ganyang na bitter," tapos ay supla ko sa kanya.
"Sinasabi ko lang 'yung totoo at baka sa huli ay umaasa ka lang sa wala. Mahirap ma-heartbroken sa love na one sided lang, insan. Ayaw kong magkaroon ng pinsan na madadala sa mental."
"Tse!" Pagsusuplada ko sa kanya. Binato ko siya ng ilang butik ng setseryang kinakaina ko. "Hindi gano'n 'yon! Kung nandoon ka lang kahapon ay masasabi mong hindi gano'n 'yon! Normal na normal kaya ang kilos niya! Talagang sweet siya at gentleman!"
"Weh?"
Kinuha ko ang maliit na unan na pang-sofa at iyon naman ang ibinato ko sa kanya. "Umuwi ka na nga lang! Ang panget mo kausap! Walang kwenta!"
Nagtatawa na tumayo si Ivee. "Fine."
Ang talim ng tingin ko sa aking pinsan habang paalis. Hindi naman gano'n 'yon talaga. Mali ang sinasabi ni Ivee. Palibhasa hindi niya nakita kung paano ako itrato ni Edz kahapon. Daig ko pa ang prinsesa kaya. Feeling ko nga ay ang haba ng hair ko kahapon. Feeling ko ay ang ganda-ganda ko.
Nakangiting napasandal ulit ako sa sopang aking kinauupuan nang wala na si Ivee. Muli kong inalala ang masayang araw na 'yon na kasama ko si Edz. In fact, na-realize ko na hindi pala boring ang mag-movie marathon kung kasama mo ang crush mo. Naisip ko nga na sana next time sa sinehan naman kami manood ni Edz. Iyong as in kami lang, wala si Jaroh.
Kinilig ako nang sobra. Na-imagine ko kasi.
Natigil lang ako sa aking pagdi-day-dreaming nang may tumawag sa cell phone ko. Nagtaka ako konti dahil nang tingnan ko ay hindi naka-save sa contacts ko ang number na tumatawag.
"Hello? Sino 'to?" tanong ko nang sinagot ko ang tawag. Hindi ko na sana sasagutin pero baka importante.
"Hi, this is Edz. Si Sue ba ito?"
Sobrang namilog ang mga mata ko. Dikawasa'y mabilis na tinakpan ko ang mouthpiece ng aking cellphone at tumili ng walang tunog dahil sa mas matinding kilig, "Eeiiiihhhhhhh!"
"Um.. hello? Yes, this is Sue. Sinong Edz 'to?" kunwa'y tanong ko nang balikan ko ang tawag. Para hindi halata syempre.
"Hi, Sue. Si Edz ito 'yung barkada ni Jaroh, remember?"
"Aaahhh.. Oo, ikaw si Edz 'yung kahapon? Edzon Manzano, right?"
"Yeah..."
"Paano mo nakuha ang number ko? At... at bakit ka tumawag pala?"
Gusto kong batukan ang sarili ko, dahil ang arte-arte ko na at overacting na yata ako. Pero baka normal lang siguro itong nararamdaman ko. Sino ba naman ang hindi mabubuwang kung tatawagan ka ni crush mo. Kaloka kaya.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, gusto ko ulit kasing tumili. Baka 'di ko mapigilan, nakakahiya.
"I got from Jaroh. Sana okay sa'yo na kinuha ko ang number mo sa kanya."
"O-Oo naman, okay lang."
"Great. Thank you."
"May f*******: nga rin ako. Gusto mo add kita? Pati na rin sa messenger?"
"Sure. Accept ko na lang."
"Sige, sige."
"Okay, so ligo muna ako. Chat chat na lang mamaya. Tumawag lang ako para i-confirm if tama ang binigay ni Jaroh na number mo."
"Sige, add na kita ngayon. Pati na rin sa Twitter at sa Instagram."
"Okay, sige. Bye." At pinatay na ni Edz ang tawag.
"Eeiiiiiiiihhhhhhhhhhh!!!" Ang haba-haba na tili ko nang wala na sa linya si Edz. Sa sobrang kasiyahan ko pa ay nagsasayaw ako ng budots dance.
Napasugod tuloy si Ivee pabalik na hindi pa pala nakakalayo. "Anyare sa'yo?"
Imbes na sumagot ako tumili ulit ako. "Insan, eiiiiiiiihhhhhhhhhhh!" Isinayaw-sayaw ko siya..........