PART 12

1170 Words
JAROH'S POV.... . . . "Ayan natawagan ko na. Okay na?" pasuplang sabi ni Edz sa akin kasabay ang paglagay niya sa cell phone na ginamit niya sa isang kamay ko. Sa akin kasi ang cell phone. Ginawan ko ng paraan para kunwari ay kusang tinawagan ni Edz si Sue. Ayaw kasi na gamitin talaga ni Edz ang cell phone niya. Sinabihan niya pa akong he was just waisting his time sa aking mga kalokohan. Eh, ano bang magagawa ko? Ayoko naman na sa simpleng hiling lang sa buhay na maging kaibigan ang kanyang crush ang siyang ikapapahamak ni Sue. "Thanks, dude," pasalamat ko kay Edz kahit nararamdaman ko at alam ko na galit na siya sa mga pinapagawa ko sa kanya. Nagi-guilty naman ako, kasi alam kong mahirap ang magpanggap na straight na lalaki lalo na sa harapan ng isang babaeng nagkakagusto sa'yo.  Subalit anong magagawa ko kung ito ang makakapagpasaya kay Sue at ikaka-safe niya. Itinabi ni Edz ang kanyang halos hindi pa nababawasan na frappuccino. As usual nandito kami ulit sa tambayan naming café. "Wala naman akong magawa, eh, kundi ang sundin ang gusto mo. Ang idamay ako sa panloloko mo sa kaibigan mo. Tinuturing ka pa naman niyang matalik na kaibigan pero para mo siyang pinaglalaruan ngayon." "Galit ka ba? Sorry na? Isipin na lang natin na ito ang ikakahaba ng buhay ni Sue. Please, take good care of her feelings. Bawal sa kanya ang masaktan dahil ikapapahamak niya," pakiusap ko sa kanya. Hinawakan ko ang isang kamay niya pero binawi niya. "I have no responsibility with her. Ikaw lang ang karelasyon ko rito, Jaroh, hindi kasali rito si Sue. Kung ayaw mo na masira ang relasyon natin, tigilan mo 'yan." Pagkasabi ni Edz iyon ay tumayo na siya at akmang aalis. "Edz, naman? Please, understand naman. Parang kapatid ko na si Sue. Ayaw ko na makita ulit siya na halos panawan ng buhay dahil sa akin." Natigil naman si Edz sa pagkilos. Pero nakatalikod pa rin siya sa akin. "Elementary kami noon, at nagmatigas ako ayaw kong gawin ang project niya. Sobrang nagtampo siya sa akin, iyak siya nang iyak. Kinabukasan nalaman ko na lang na 50/50 na siya sa ICU dahil sa hindi na normal na t***k ng puso niya," napilitan ko na kuwento. Sa totoo lang kasi ay ayaw ko nang balikan iyon dahil grabe ang takot ko noon na baka mamatay si Sue. "Simpleng bagay lang iyon na hindi ko siya pinagbigyan pero muntik na siyang mawala. Paano pa kaya ang tungkol sa'yo?" "Sa tingin mo, hindi masasaktan si Sue kapag malaman niya ang totoo na niloloko natin siya? Na ang totoo pala ay tayo ang nagkakagustuhan at hindi ko kailanman siya magugustuhan?" sabi ni Edz. Napatungo ako. "Naisip ko na iyan, pero saka ko na pruprublemahin iyan. Isa pa ay crush lang naman ang pagtingin sa'yo ni Sue. I'm sure mawawala rin 'yon." "Paano ka nakakasiguro?" Napakamot-ulo ako. Wala na akong masabi, dahil ang totoo hindi talaga ako sure sa sinabi ko. Ang hitsura ko ay parang pasan na ang mundo. "Fine..." Humalukipkip si Edz. "Sige, paninindigan ko ang panliligaw kay Sue, but promise me na balang araw paninidigan mo na rin ang relasyon nating ito. Na kapag maayos na ang kalagayan ni Sue ay aayusin na natin ang relasyon natin," tapos ay madiing wika niya saka tumalikod ulit. "Siya nga pala ikaw na ang bahalang makipag-text sa kanya. Ikaw naman ang magaling sa pambobola, eh." At iniwan na niya ako. Sunod-tingin na lang ako kay Edz. Gusto ko siyang habulin at yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Nang hindi ko na siya matanaw ay nanlupaypay ako sa aking kinauupuan. Naihilamos ko ang aking mga palad sa aking mukha. Ano ba kasi itong ginagawa ko? Tama ba ito? After an hour, ay saka lang ako nagpasyang umalis na sa café at umuwi na. Nanlulumo ang hitsura ko dahil kahit anong isip ko ay wala akong naisip na ibang paraan. Pasalamat ko at wala na akong klase kung hindi ay lutang ang utak ko sana na papasok. Iisa lang talaga ang solusyon sa problema naming tatlo, ang sabihin kay Sue na bakla kami ni Edz, at hindi lang mga basta bakla kundi magkarelasyon pa. Nga lang, iniisip ko pa lang ang magiging reakyson niya ay kinakabahan na ako. Nai-imagine ko na kasi na mabibigla si Sue, tapos ay iiyak siya kasi hindi niya matanggap na bakla ang kanyang ultimate crush tapos boyfriend ko pa, hanggang sa atakehin na siya ng sakit niya sa puso. Tapos magiging malala ang siwasyon niya, hanggang sa---. Napahimas ako sa gitna ng mga mata ko at napailing. Kahit gano'n si Sue ay hindi ko makakaya na mawala siya. Saka ano na lang ang sasabihin sa akin ni Tito Ruel, na para sa pansariling kasiyahan ko ay pinabayaan ko na si Sue. Hindi ko yata kaya rin 'yon dahil parang tatay ko na rin si Tito Ruel. Nangako rin ako sa kanya na aalagaan ko si Sue kahit na anong mangyari. Natigil lang ako sa pag-iisip nang nag-vibrate ang cellphone na hawak ko. May text at galing kay Sue. Kunot-noo ko iyong binuksan at binasa. 'EDZ, TAPOS KA NA MALIGO? SABI MO ITI-TETXT MO AKO?' Napangiwi ako. Ang landi talaga. Siya pa ang unang nag-text. Tss. I fished my real phone out of my pocket.  Nag-text ako kay Sue gamit ang totoong number ko. 'GAWA MO?' ang tinext ko. Kaya lang ay hindi niya ako ni-reply-an. Nag-vibrate ulit ang cell phone ko na isa. 'BUSY KA, EDZ?' Na sinundan ng isa pang text, 'GAWA MO NA, EDZ? ACCEPT MO NA AKO SA f*******: AT MESSENGER. MAY CHAT AKO SA'YO." Ginamit ko ulit ang totoong number ko. Ayaw ko muna na magpanggap na Edz sa text. 'LET'S EAT? PUNTA AKO RIYAN SA BAHAY NIYO.' ang sabi ko sa text, pero wala pa ring reply si Sue sa akin. Bagkus magkasunod na text niya ang natanggap ko sa isang cellphone na inaakala ni Sue na kay Edz na number. 'KUMAIN KA NA EDZ?' Nagngitngit na ang kalooban ko, nakakainis na, eh. Ako itong matalik na kaibigan niya ako itong denedeadma niya. Ayos ah! Sa inis ko ay nag-reply na ako as Edz. 'MATULOG KA NA!!' with exclamation para intense. Aba't ambilis nag-reply. 'HINDI PA AKO INAANTOK. TEXT TEXT MUNA TAYO, PLEASE?' Iningusan ko ang cell phone na parang ito si Sue nang mabasa ko iyon. "Ah, gano'n, deadma ka sa'kin pero kay Edz ang dami mong time, nice!" sabi ko pa na parang si Sue talaga na tao na aking kinakausap. Kung puwede lang, ang sarap din sanang batukan ang cell phone na parang si Sue. 'WALA KASI AKONG KA-TEXT. TULOG NA ATA SI JAROH, EH. 'DI NA NIYA AKO NIRE-REPLY-AN. DAMUHO 'YON, EH," text ulit ni Sue kahit 'di na ako nag-reply bilang Edz. At halos umusok ang ilong ko pagkatapos kong mabasa iyon. "Ako pa ang 'di nagri-reply?! Wow, huh!" hindi ko makapaniwalang sambit. Sa inis ay pinatay ko na ang cell phone na iyon at binulsa.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD