PART 20

1260 Words
IVEE's POV... . . . Naiiyak ako na bumalik ako sa kinaroroonan nina Edz at Jaroh. Napalabi ako nang magkatinginan kami ni Jaroh. Nahihiya ako sa kanya kasi wala akong nagawa. "Ivee, anong nangyari? Nakausap mo ba ang tita mo?" Si Edz ang nagtanong sa akin. Lalong nangilid ang mga luha sa aking mga mata. "Sorry, 'di ko napigilan si Tito. Natawagan niya agad ang daddy mo, Jaroh." "Paano 'yan?" Napakamot sa kanyang batok si Edz. Tuluyan nang nawalan sila ng pag-asa ni Jaroh. "Kung gano'n alam na ng daddy ko ang totoong pagkatao ko?" ani Jaroh. Napapakagat labi siya. Kita na ang takot niya sa kanyang mukha. Hindi siguro mailarawan ang mukha ko na tumango. Naiiyak na talaga ako. I felt useless. Feeling ko pa ay sinasabunutan na ako ni Sue sa mga sandaling ito dahil nagtatayuan ang mga balahibo ko sa katawan.  "I need to go," mayamaya ay sabi ni Jaroh at nagmadaling umalis na. Uuwi na siguro para puntahan ang ama at kausapin. Hiling ko na lang na sana ay maging maayos ang pag-uusap ng mag-ama. Sumunod si Edz kay Jaroh pero bago lampasan siya ay may sinabi siya sa akin. "Babalik kami. Ayusin lang namin ito." Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang wala na sila. "Sorry, Sue, if wala akong nagawa para kay Jaroh. Kilala mo naman ang daddy mo. Ikaw na ang bahala sa kaibigan mo ngayon. Sana hindi siya saktan ng daddy niya," at saka bulong ko kay Sue. Alam ko rin kung gaano ka-istrikto ang daddy ni Jaroh dahil kilala ko rin naman siya at madalas na maikwento ni Su sa akin na halos saktan nito si Jaroh kapag may maling nagawa si Jaroh. Mas malala pa raw iyon kay Tito Ruel dahil mas mataas ang ranggo niyon sa serbisyo.  Ngayon ako nakaramdam ng takot para kay Jaroh.  Hanggang sa parang may bumulong sa akin na sumunod ako kina Jaroh at Edz. Malamang ay si Sue. Inuutusan niya ako na alalayan ang kanyang mga kaibigan. Kasi kahit alam ko na wala naman akong magagawa ay hindi ko mapigilan ang sarili ko. Tulad ko kanina ay feeling ko talaga ay may nagtutulak sa akin. "Ivee, saan ka pupunta?" Nadaanan ko si Tito Ruel sa may garahe. May kausap siya. Dumadami na ang tao na gustong makilamay. "Diyan lang po," sagot ko at nagmadali na akong lumabas ng bahay nila. Pumara ako ng taxi. "Aalis ka? Ngayong mas kailangan ka ng pinsan mo?" habol ni Tito Ruel sa akin.  Nilingon ko siya. Kahit masama ang loob ko sa kanya dahil kahit patay na nga si Sue ay hindi pa rin nakapagpigil sa sarili niya kanina na huwag ipahamak si Jaroh, kahit para sana man lang kay Sue, ay malaki pa rin ang respeto ko sa kanya. Para ko na ring tatay si Tito Ruel. At tulad ng isang anak ay may mga bagay na hinahangaan ako sa kanya, pero may mga bagay rin na ayaw ko sa kanya. "Babalik po ako agad," sabi ko bago ako sumakaya sa taxi. "Ivee, huwag mo nang sundan ang bakla na iyon! Ang asikasuhin mo ay ang lamay ng pinsan mo!" Nagalit na si Tito Ruel pero hindi ko pinansin. Sinabi ko sa driver ng taxi na aalis na kami at bilisan niya dahil may emergency kaya pinaharurot nga ng driver ang sasakyan patungong bahay nina Jaroh. Abu't abot ang aking dasal na sana mali ang naiisip niya na nagkakasakitan na ang mag-ama........ . . . ******** EDZ's POV... . . . "Dude, hindi mo kailangang harapin agad ang daddy mo. Magpalipas ka muna," pakiusap ko kay Jaroh. Hinawakan ko siya sa kanyang braso para pigilan siya sa pagpasok sa bahay nila. Narito na kasi kami sa labas ng gate ng bahay nila. Mula pa sa bahay nina Sue ay sinasabihan ko na siya na hindi magandang umuwi siya agad pero ayaw niyang makinig. "Huwag mong salubungin ang galit ng dad mo, please?" Umiling si Jaroh. Hindi talaga mabago ang kanyang pasya. "Kailangang mag-usap kami agad. Mas mahirap kapag papatagalin ko pa ito."  Pumasok na si Jaroh at wala na akong nagawa. Ready na nga siguro siyang harapin ang dad niya. Sabagay baka ito na nga ang tamang panahon para ilabas na ni Jaroh ang totoong pagkato niya dahil pagod na rin siya sa pagpapanggap. Alam ko na pagod na siyang ilihim ang totoong siya. Pagod na pagod na, tulad ko. "Jaroh, wait." Nga lang ay biglang bungad ni Ivee. Naabutan kami ng dalaga. Bumaba agad ito sa taxing sinakyan. Nakusot ang mukha ko dahil ano naman ang silbi na narito ito? Wala naman siyang magagawa, eh. Kung si Sue siya ay maniniwala pa sana ako na may maitutulong siya. "Ivee, umalis ka na. Baka madamay ka pa sa galit ni Daddy," utos ni Jaroh rito. "Jaroh, baka kailangan mo ako. Weird man pero parang inuutusan kasi ako ni Sue. Parang ibinubulong sa akin ni Sue na tulungan kitang magpaliwanag sa dad mo." "Nagagawa mo talagang sabihin ang mga bagay na 'yan, Ivee?" sita ko kay Ivee kahit na kinilabutan ako sa sinabi niya. Naniniwala naman ako sa mga ganoon pero kasi pagdating sa bagay na ito ay hindi nakakatuwa. Huwag na sanag idamay pa rito si Sue.  "Pero totoo ang sinasabi ko. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko. Para akong tinutulak, at alam ko si Sue ang may kagagawan nito. Kilala natin si Sue na kapag may gusto siya ay ipagpipilitan niya talaga at gagawin niya ang lahat para mangyari," giit ni Ivee. "Naka-drugs ka ba?" kako kahit na may point naman ito. At saka ang sabi-sabi nga, kapag bagong patay pa lang ang isang tao ay narito pa siya sa lupa at pagala-gala. Tatapusin niya muna ang mga bagay na hindi niya natapos noong nabubuhay siya. "Bahala ka kung ayaw mong maniwala." Inirapan ako ni Ivee. "Tama na 'yan," awat ni Jaroh sa  aming dalawa. "Sue, kung nandito ka man talaga ay okay lang. Kaya kong harapin si Daddy. Kasalanan ko lahat dahil pinatagal ko pa ang paglilihim, kahit ikaw tuloy ay napahamak. I'm sorry, Sue." Ang hindi ko inasahan ay kinausap na nga ni Jaroh si Sue habang palinga-linga siya sa paligid. Naniwala siya kay Ivee.  Natahimik na kami nang tuluyan ni Ivee. Nakidalamhati. At tulad ni Jaroh ay tumingin-tingin kami sa paligid. Kinalabutan pa kami dahil biglang humangin. Napayakap ako sa aking sarili. Ghad, mukhang totoo nga na kasama namin si Sue. Katakot. Napangiti na si Jaroh. Wari ba'y sinagot siya ni Sue.  "Dito na lang kayo or umuwi na lang kayo," pagkuwa'y sabi na sa amin ni Jaroh bago siya pumasok na sila sa malaking bahay. "No, sasama kami." Dahil sa nangyari ay nagkaroon na rin ako ng lakas loob. Kung si Sue na patay na nga ay gumagawa pa rin ng paraan para maprutekatahan si Jaroh, ako pa kaya na buhay?  "Oo nga," sabi rin ni Ivee. Hindi na umangal pa si Jaroh. Kabado kaming tatlo na pumasok na sa kanilang bahay. Pero hindi pa man kami nakakapasok maigi ay bumungad na ang daddy ni Jaroh at inundayan siya ng pagkalakas-lakas na suntok. Sapol ang panga ni Jaroh. Muntik na siyang masubsob sa sahig. Nagitla lang naman kami ni Ivee. Hindi kami nakakilos. Kapwa kami nabato ni Ivee. "Nakakahiya ka!" Nanginginig na duro ng amang police sa kanyang anak. "Wala akong anak na bakla!"..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD