IVEE's POV...
.
.
.
"Mga bakla kayo?! At dito pa talaga niyo pinag-uusapan 'yan sa unang burol ng anak ko?!" salubong ang kilay na pagalit na tanong ng daddy ni Sue kina Edz at Jaroh.
Napatayo si Jaroh. Si Edz ay napapunta sa likod niya na para roon magtago. Nanlalaki ang mga mata nilang napatingin kay Tito Ruel. Takot na takot sila and at the same time ay hiyang-hiya.
"Tito," nababahalang napalapit naman ako kay Tito Ruel. Hinarap ko siya para magpaliwanag. "Let me explain po, Tito. Mali lang po ang pagkakarinig niyo. Hindi po sila ang pinag-uusapan namin na mga bakla."
Subali't ay binalewala ni Tito Ruel ang sinabi ko na iyon. Naniniwala talaga siya sa kanyang narinig.
Masama ang timpla niyang lumapit kay Jaroh at kwinelyohan ito. "Tama ba ang narinig ko, Jaroh?! Bakla ka?! Tell me the truth!"
Gustong awatin ni Edz si Tito Ruel pero takot ito or malamang naiintindihan nito ang pinagdadaanan ni Tito Ruel. Napatungo na lamang ito. Napapangiwi na lang ito habang nababahala para kay Jaroh. Muntik pa 'atang napatili.
"Tito, hindi nga po kaya bitawan mo po si Jaroh. Mali po ang narinig niyo. Iba po talaga ang pinag-uusapan namin. Hindi po sila mga bakla." Kaya ako na lang ang lumapit para awatin si Tito Ruel, pilit tinatanggal ko ang kamay nito sa kuwelyo ni Jaroh. Ngayon ko naramdaman ang kawalan ng presensya ni Sue. Sana nandito siya. Naiiyak na ako.
"Jaroh, umamin ka! Are you a gay?! Don't lie to me!" nga lang ay singhal pa ni Tito Ruel kay Jaroh. Hindi niya talaga ako pinapakinggan. Sarado na ang tainga at isip niya.
Takot na takot ang mukha ni Jaroh. Nagkatinginan kami. Umiling ako para sabihing, "Huwag, Jaroh! Huwag kang umamin! Mapapahamak ka!"
"Umamin ka!" bulyaw ulit ni Tito Ruel. Lalong galit ang boses nito. Nagngingitngit na ang mga ngipin nito.
Napalunok muna si Jaroh bago nagpasiyang tumango. "O-opo, Tito. Sorry po."
At wala na akong nagawa.
Lalong lumaki ang mga mata ni Tito Ruel at lalong nagdugtong ang mga kilay nito. Dismayadong napailing ito nang marahan saka marahas na binitawan at tinulak si Jaroh.
Muntik nang ma-out of balance si Jaroh buti't mabilis na nakaalalay kami ni Edz sa kanya. Nanlambot din kasi si Jaroh. Sabagay sino bang hindi maghihina sa ganitong sitwasyon. Ako nga'y kanina pa nanlalamig dahil sa nerbyos.
Mabait si Tito Ruel pero iba rin siya magalit. Lalo na pagdating kay Sue.
"Walangya ka! Pinagkatiwala ko sa 'yo ang anak ko dahil akala ko totoong lalaki ka! Bading ka pala! Kung sakaling mapahamak pala ang anak ko, eh, titili ka lang at hindi mo na siya maipagtatanggol! At... at kaya pala namatay ang anak ko sa bahay niyo dahil baka noong inaatake siya sa sakit niya ay wala kang ginawa dahil bakla kang gago ka! Wala kang silbi! Pinabayaan mo si Sue! Hindi kita mapapatawad! Kasalanan mo pala kung bakit namatay ang anak ko!"
"Hindi totoo 'yan, Tito. Kahit ganito lang ako ay kaya kong ipagtanggol si Sue. Kaya ko siyang alagaan. Ever since ako na ang naging kuya niya, bodyguard niya, alalay niya at kung anu-ano pa dahil mahal na mahal ko ang anak niyo. At alam ko na alam niyo 'yan. Isinakripisyo ko lahat para sa kanya, Tito. Lahat iniiwan ko para lang mapuntahan siya dahil gano'n siya kahalaga sa akin. Kung puwede nga lang ako na lang ang nasa kabaong na iyon, eh, gagawin ko." Pagtatanggol ni Jaroh sa kanyang sarili. Namula ang mukha niya sa pinipigil niyang mga luha. Kitang-kita ko ang pagkuyom ng mga palad niya pero dahil malaki ang respeto niya kay Tito Ruel ay hindi niya magawang maglakas ng boses.
Naluha ako. Na-realize ko na na kaya inilihim ni Jaroh ang tunay niyang pagkatao dahil din kay Sue. At alam ko nagawa niya naman kahit paano ang obligasyon niya kay Sue bilang isang matalik na kaibigan kahit na bakla lamang siya. Wala akong masabi kay Jaroh.
Sure ako na kung meron mang mas nasasaktan dito ay si Jaroh iyon. Tama lahat ang sinabi niya. Saksi rin ako kung paano niya alagaan noon si Sue. Actually daig pa niya si Tito Ruel dahil siya kaya niyang patahanin sa kabaliwan si Sue at si Tito Ruel minsan ay hindi.
"Tito, ginawa ko ang lahat para mabuhay ng matagal si Sue. Alam mo 'yan." Naluha na si Jaroh.
Ngunit tiningnan lang siya ni Mang Ruel mula ulo hanggang paa na parang nandidiri. "Ipapaalam ko 'to kay kumpare!"
"Tito, huwag po!" naalarmang pakiusap ko sa kanya. Muli ko siyang hinawakan sa braso pero tinabig lang ni Tito Ruel ang kamay ko at malalaki ang hakbang na lumabas sa kuwarto.
"Pano na 'yan? Isusumbong ka na niya? Baka kung anong gawin sa 'yo ng daddy mo kapag umuwi ka?" nag-aalalang ani Edz na napakapit sa braso ni Jaroh nang tatlo na lang kami roon.
Nasapo ni Jaroh ang sariling noo. Ang hitsura niya'y nagsasabi na ano pa bang magagawa niya, wala na. Papatayin na siya ng kanyang amang pulis. Lalo na ngayon na wala na si Sue.
Nakaramdam naman ng ako ng awa sa kanya. Na-guilty ako kaya ipinasya ko na kausapin si Tito Ruel. Parang anak na rin ang turing sa akin ni Tito Ruel kaya baka makinig din siya sa akin kahit papaano kapag naipaliwanag ko ang sitwasyon ni Jaroh. "Wait lang. Huwag kayong mag-alala kakausapin ko si Tito."
"Huwag na, Ivee, at baka madamay ka pa rito. Siguro dapat nang matapos ang pagtatago na ito. Wala na si Sue kaya wala nang dahilan pa para magtago ako. Ayokong may mapahamak ulit dahil sa pagsesekreto ko," ngunit ay pigil sa akin ni Jaroh.
"Hindi. Basta akong bahala. Susubukan ko," tiwalang sabi ko at nagtatakbo na ko upang sundan si Tito Ruel. Alam ko ito ang gusto ni Sue, ang tulungan si Jaroh. Alam ko nasa likod ko lang si Sue, siya ang nag-uutos na gawin ko ito.
Naiwan sina Jaroh at Edz na nagkatinginan na lang. Parehas kabado at parehas natatakot. Sana talaga ay pakinggan ako ni Tito Ruel kahit ngayon lang.
"Oo kumpare! Bakla ang anak mo! Bakla siya! Umamin siya mismo sa akin!" Dinig na dinig ko iyon. Kausap na agad sa cell phone ni Tito Ruel ang daddy ni Jaroh.
Huli na ako. Natigagal na lang ako. Kusang tumulo ang mga luha sa aking mga pisngi dahil feeling ko ay nabigo ko sina Jaroh at Sue. Paano na? Paano na si Jaroh?
"Sige, pare. Ikaw na ang bahala sa anak mo. Bye."
Paglingon ni Tito Ruel ay nagtama ang mga mata namin. Pagkuwa'y napayuko na lang ako ng ulo. Wala na akong magagawa pa.........