Nakulong ang Mafia Lord na si Reid, ilang pulisya ang tumugis dito sa pamumuno ni Officer Luigi Clyde Knight isang magaling na CA na nanggaling sa Roma. Samantalang nakatakas naman ang Assassin nito na si Rafael. Bago matugis ng mga pulis si Reid ay may kasunduan na ang dalawa na kahit anong mangyare ay wag sasabihin sa asawa nito na nakulong siya. Hindi maaari na pati si Ellen ay madamay lalo pa at nagdadalang tao ito. Minabuti ng Lord na si Reid na palabasing patay na siya upang hindi mapahamak ang asawa niyang si Ellen. ***** "Ayan na ang Mafia Lord!" Nagsisigawan ang mga preso ng makitang nag lalakad na si Reid sa kalagitnaan kung saan may mga malalaking rehas na siyang tinutuluyan ng mga preso. "Wala ka pala eh puro ka lang pera! Nahuli ka naman!" Sigaw pa ng ilan habang seryoso l