(P A S T) "Hindi, hindi ako naniniwalang wala ang asawa ko. Bakit hindi niyo pinapakita sakin ang katawan niya!" Galit na sabi ko. "Huminahon ka muna hindi makabubuti sa pagbubuntis mo ang pag iisip mo." Pag aalala sakin ni Ana habang hinahaplos ang likod ko dala ng aking hinakbi. "Asan si Rafael Ana? Bakit hindi siya pumunta dito? Bakit hindi tayo umuei ng Hacienda? Gusto kong makita ang katawan ng Asawa ko." Pag pupumilit ko. "Wag ka mag padalos-dalos. Mainit pa ang kalaban. Kailangan mong tatagan para sa dinadala mo." Sabi ni Ana habang ako ay nakaupo padin sa sahig at hawak ang phone niya. Kung saan tumawag si Rafael at ibinalitang wala na ang asawa ko. Pero bakit? Bakit mo naman kami agad iniwan Reid? Ang sakit sakit isipin na wala kana. "Tumahan na kayo hindi gugustuhin