"San ang punta mo liza?" kunot nuong tanong ng nanay bebang niya sakanya. "S..Susunduin po ako ni Angelo nay.." napayuko siya dahil eto ang unang beses na mag-papaalam siya sa kanyang nanay bebang na makikipag date siya sa isang lalaki. Nakakahiya pala sa kanyang nanay. Kahit nasa wastong edad na siya pakiramdam niya papagalitan padin siya nito "Ano kamo?" kunot nuong tanong nito Kasalukuyan silang nasa living room ng kanilang bahay. Pangiti ngiti lang sa isang tabi si monica habang titig na titig sa kanya. Gandang ganda ito sakanya sa kanyang simple baby pink dress. Bumagay iyon sa kanya dahil nakakurba iyon sa kanyang katawan. Semi-formal ang dress na ito na pwedeng pwede kahit sa anong klaseng date. Baka kasi dalhin siya ni Angelo sa mamahaling restaurant kahit papano nag ayos siya.