"Sobrang busog na busog ako.." Todo ngiti si Liza habang papalabas sila ni Angelo sa restaurant na pinagdalhan sakanya nito. Walang iba kundi sa sea side restaurant o tinatawag na bahay palutuan. Kung saan lahat ng sea foods na kakaiba ay pwede nilang ipaluto sa magagaling na chef . Tuwag tuwa siya dahil mahilig talaga siya sa mga seafoods! Naparami tuloy ang kain nilang dalawa ni angelo. "Dalawang kilong hipon ba naman ang naubos mo.." Pangiti ngiti si angelo habang nakatingin sakanya "Huy grabe ka naman.. Isang kilo lang yun.." Bago sila lumabas ng restaurant nag punta si angelo sa restroom mukhang nag toothbrush ito dahil malalansa ang mga kinain nila. Its a fishy first date.. Kaya naman ginaya niya ito nag toothbrush din muna siya sa rest room bago sila lumabas ng restaurant.