"Ate! Gising na!" Niyugyog ni monica ang buong katawan ni Liza kaya naman unti unti siyang naalimpungatan "Ano ba monica.. Inaantok pa ako.." nagtalukbong siya ng kumot. Naiinis siya dahil ginising siya ng kanyang kapatid. Ang ganda ganda pa naman sana ng kanyang panaginip "Ate gumising kana dahil nasa baba si kuya angelo!" "Ano naman kung nandiyan si Angelo--What ano?!" Napadilat siya at napabangon bigla. Todo ngiti naman si monica "Grabe ate ang aga ng manliligaw mo!" "Shocks! Di nga?" Nataranta siya tumayo na agad siya sa kanyang kama "Ate mag hilamos ka muna. Nangingintab pa yang mukha mo ang oily oily oh?" "Sabihin mo saglit mag hilamos lang ako" Tumakbo na siya papasok sa loob ng kanyang restroom "Sige ate dahan dahan baka madulas ka!" napapa-iling nalang si monica dahi