Isinaksak ni Liza ang kanyang earphones habang prente siyang nakaupo sa malambot na sofa ng Hoffman's corporation.
"Ayos ang sarap palang mag hintay dito. Libreng wifi at libreng youtube"
Napangiti siya habang nakikinig siya ng mga love songs sa youtube chanel niya. Madami na siyang video na inupload sa youtube mga kanta niya iyon ngunit wala man lang views ang mga videos niya
Nandito siya ngayon sa lobby ng Hoffman's building dahil hihintayin niya si Angelo. Nangako kasi ito na tutulungan siyang makapag trabaho sa bar ng kapatid nito.
Usapan nila alas siete pa ng gabi ngunit wala naman siyang mapupuntahan na ibang lugar dahil wala siyang pera at hindi din siya pwedeng umuwi sa bahay nila dahil malalaman ng kanyang inay na hindi siya nag apply ng matino
Sinubukan niyang humiga sa sofa dahil sobrang lambot nito. Para bang mas malambot pa ito sa kanyang kama
"Hmm sarap naman tumambay dito.."
Hinubad niya ang kanyang boots. Mabuti nalang walang amoy ang kanyang paa. Ngunit ang mga tao sa paligid niya halos magulat sa kanyang ginawa. Lalo na ng humiga siya sa sofa.
"Amoy baby powder lang to.. Grabe naman mga tao dito.. judgemental"
Binalewala nalang niya ang mga ito. May security guard na lumapit sakanya at kinalabit siya
"Ma'am hindi po pwedeng matulog dito"
Napabuntong hininga siya napapasarap pa naman ang kanyang higa at pakikinig sa mga kanta niya ngunit istorbo ang mga tao dito.
Umupo siyang muli at tinangal niya ang kanyang earphones.
"Manong guard nakikita mo ba itong coat ko ha? Sa big boss niyo to.. Ibig sabihin ka-close ko ang boss niyo dito kaya hayaan mo nakong matulog dito."
"Ikaw pala yan ma'am" mukhang nakilala siya nito
"Aba ikaw pala yung binigyan ko ng bente pesos kanina diba? hayaan mo nako manong guard. masakit po yung sugat ko e"
Napakamot nalang sa ulo ang matandang security guard
Napangiti siya ng umalis na ito.
"Ayos. Minsan talaga gagawa ka ng mabuti sa kapwa mo eh para gumawa din sila ng mabuti sayo hihi.."
Nahiga na uli siya sa sofa at pinikit ang kanyang mata. Hihintayin niya si Angelo hangang alas siete ng gabi. Ibig sabihin may apat na oras pa siya upang matulog sa napakalambot na sofa na iyon
Muling may kumalabit sakanya kaya nainis na siya.
"Manong naman sabi ko naman sainyo kaclose ko ang big boss niyo diba? Wag niyo akong estorbohin baka isumbong ko kayo sakanya" Reklamo niya.
Di na niya binuksan ang kanyang mata dahil sarap na sarap na siya sa kanyang pag pikit
Tinangal nito ang earphones niya kaya napamulat siya ng kanyang mata
"You can't sleep here."
Napatitig siya sa gwapo nitong mukha na halos isang dangkal nalang ang layo sa kanyang mukha
Napaupo tuloy agad siya at sobrang bilis ng t***k ng kanyang puso
"Palaka ka! ginulat mo naman ako!" napahawak siya sa kanyang dibdib
As usual nakasimangot nanaman ito. Tumayo ito at sinenyasan siya na isuot niya ang kanyang boots
Nagmadali tuloy niyang isinuot ang kanyang boots.
"Kailan pa tayo naging close? At hindi pwedeng tambayan tong opisina ko. This will be the first and last na gagawin mo to. Hindi ka ba nahihiya sa mga tao dito?"
Napalabi siya dahil sa sinabi nito
"Grabe naman. Nakikitulog lang yung tao eh. Bakit pa may sofa bed dito kung hindi pwedeng matulog?"
Napabuntong hininga ito. Halatang naiinis ito sakanya
"Bilisan mo na diyan. Then follow me" masungit nitong utos sakanya
Agad niyang binitbit ang kanyang bag at patakbong sumunod sa paglalakad nito
"Hintay lang naman Angelo. Grabe naman ang bilis mong maglakad e. May sugat yung tuhod ko kaya di ako pwedeng maglakad ng mabilis!" hingal na hingal na siya ng makarating sila sa parking lot
Huminto ito sa paglalakad at lumingon sakanya. Bumaba ang tingin nito sa sira niyang stockings at sa kanyang sugat
"What happened to that?" nakasimangot nitong tanong
Itinuro niya ang motorsiklo ng kanyang kuya Lito sa gilid
"Nakikita mo ba yung motorsiklong yun? Sa kuya ko yun. Sumemplang ako kanina ng mawalan yon ng preno kaya nagkasugat ako."
Napa-iling iling nalang ito
"Nag motor ka? Hindi mo ba alam kung gaano kadelikado para sa isang babae ang mag motor?"
Napakunot naman ang nuo niya
"Bakit naman? May kamay at paa din naman kaming mga babae para mag maneho ng motor ha"
"Whatever.." Tinalikuran na siya nito at nauna na itong maglakad papalapit sa kotse nito
"Biruin mo nga naman muntik ko pa palang masemplangan yang kotse mo kanina?" natatawa siya dahil katabi ng kanyang motorsiklo ang kotse nito
"Hop in.." Masungit nitong utos sakanya
Napapangiti padin siya dahil muntik na niyang mabungo kaninang umaga ang kotse nito mabuti nalang sa pader siya nabungo kundi magbabayad pa siya.
Binuksan niya ang pinto sa likod ng kotse nito
"Dito ka sa harap. Wag mo akong gawing driver" pag susungit padin nito
"Ay sorry naman. High blood agad eh" napakamot nalang siya sa kanyang ulo
Tuwang tuwa naman siya dahil makakatabi niya ito sa kotse nito
hindi bagay sakin ang kiligin. Mukha akong rakistang sabog tapos kikiligin ako? hahaha ang sagwa
"Why are you smiling?"
"Ah eh wala.."
sungit naman nitong poging to
Kinabit na niya ang kanyang seat belt. Napatingin ito sa sugat ng kanyang tuhod
"May band aid ako dito at alcohol" binuksan nito ang drawer ng kotse nito at mayroon maliit na pouch bag itong kinuha
"Alcohol? Wag masakit yon"
Napakunot ang nuo nito.
"Sa alcohol takot ka? pero sa pagsakay sa motor hindi?"
Napalunok siya dahil ang gwapo gwapo nito. Hindi niya matagalan tumitig sa mukha nito
"here.." inabot nito sakanya ang alcohol at band aid
"Eh ayaw ko nga niyang alcohol. Yung band aid nalang"
kinuha niya ang band aid sa kamay nito
"Ano yang kuko mo? Bakit ang dumi?"
"Uy grabe ka kakalinis ko lang niyan.."
Napabuntong hininga ito at inagaw muli sakanya ang band aid
"Your wound will be infected if you have dirty hands. Ako na nga"
Nagulat siya dahil binuhusan nito ng alcohol ang kanyang tuhod. Napatili siya sa sobrang hapdi
"Angelooo!!! Arayyyy!!! wooo wooo" hinipan hipan niya ang kanyang sugat.
hindi siya pinansin nito pinagpatuloy nito ang pag lagay ng band aid sa kanyang tuhod.
"Dahan dahan naman angelo! Kung may galit ka sakin wag naman sa sugat ko."
Itinago na nitong muli ang pouch nito sa drawer ng kotse nito
"Pero salamat ha? Nakakatouch naman ginamot mo pa ang sugat ko"
"Hindi ko ginamot. Binuhusan ko lang yan ng alcohol. Don't assume anything"
"Grabe ka naman. Natouch lang ako dahil for the first time may nag gamot ng sugat ko. Madalas kasi kapag may sugat ako hinahayaan ko lang gumaling yon. At wala naman tumutulong sakin na ibang tao. Tingin kasi ng pamilya ko strong akong tao eh. Anyway thank you nalang"
Napatingin ito sakanya
"Para kang bata. tss" Nag simula na itong mag drive.
"Saan tayo pupunta?" maya maya tanong niya kay Angelo
"Kay Miguel"
Natuwa siya sa sinabi nito.
"Wow! I'm so excited! Sana magsimula nako ngayong gabi.."
Tahimik lang ito sa buong biyahe nila. Mayamaya pumasok ito sa parking lot ng building kung saan nakatira si Miguel Hoffman.
Pinarada nito ang kotse sa parking lot at nauna na itong bumaba ng kotse
"Grabe ang gentleman mo talaga grrr!" bumaba na siya ng kotse ni Angelo at sinundan niya ito.
Kahit nakatalikod ito hindi niya maiwasan humanga sa pigura nito. Ang ganda ganda ng built ng katawan nito matangkad ito at para itong modelo kung maglakad.
Natapilok tuloy siya dahil nakatingin siya dito.
"Aruy.."
"Tss. Be careful. Ano bang ginagawa mo?" Lumingon ito sakanya
"W..Wala natalisod lang ako.."
"Tss.." sinimangutan siya nito
Nang makarating sila sa condo unit ni Miguel
"Miguel open the door" mahinang kumatok si Angelo sa pinto ng condo ni Miguel
napansin ni Liza na mayroon maliit na door bell sa gilid. Pinindot niya agad yun.
Natuwa siyang pindutin ang door bell dahil malambot iyon. Nagulat nalang siya ng biglang bumukas ang pinto ng condo unit ni Miguel
"f**k! I said don't press---Kuya? What the f**k natutulog ako bakit mo pinaglalaruan yung door bell"
"It's her.." Walang ganang sagot nito
Napatabinge ang kanyang ngiti ng biglang tumingin si miguel sakanya. Kung gwapo si Angelo, gwapo din ito! Lalo na naka suot lamang ito ng boxer short! My God nag aalab ang hotness sa buong katawan nito.
"Yummy.. Este ano.. Hello miguel. Ano ako si Liza natatandaan mo ba ako?"
Bahagya itong nagulat sa kanyang itsura ngunit ngumiti agad ito.
"Ate liza? Holy cow!" Natuwa ito at niyakap agad siya. Nanlaki ang kanyang mata dahil sa pagyakap nito sakanya. Napakagat labi siya
Napatingin siya kay Angelo nakasimangot ito habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Miguel
"it's gross.." Nag iwas ito ng tingin sa pagyayakapan nilang dalawa ni Miguel
"Ate liza di ka padin nagbabago ah? mukhang ano ka padin. I mean you look great" Napakamot si miguel sa kilay nito
"T..Thanks Miguel. Ikaw naman ang laki ng pagbabago mo. Grabe ang gwapo gwapo mo na ngayon. Nung huling kita ko sayo hindi ka pa tuli.. I mean siyempre tuli kana ngayon. Err Ano.. Basta ewan" namula ng husto ang kanyang mukha dahil kung ano ano ang kanyang mga nasasabi
"Thanks Ate. syempre naman. Anyway kuya Gelo what brings you here?"
Masama ang tingin ni Angelo sakanilang dalawa ni Miguel. Mukhang hindi ito natutuwa sa mini reunion nilang dalawa ni Miguel
"Makakalimutin ka na ba? I told you to hire this crazy girl beside me"
"Whoa. Masyado ka yatang high blood ngayon kuya" Todo ngisi si Miguel sa nakikita nitong reaksyon ni Angelo
"Oo nga angelo relax ka lang. Tatanda ka agad niyan eh palagi kang nakasimangot."
"Hire her. Kapag panget ang boses niya fire her"
"Grabe fired agad? Di pa nga nakakapag simula eh. Try niyo muna yung golden voice ko"
Ngumiti si Miguel
"Sure ate. Come inside pakikingan ko ang boses mo--"
"Matulog kana muna Miguel. Mamaya mo nalang pakingan boses ng babaeng to. Ako nalang muna ang makikinig.."
Nagtaka siya dahil hinawakan na siya ni Angelo sa kanyang kamay at hinila palayo sa condo unit ni Miguel
"Huy angelo dahan dahan naman.." Ang bilis kasi nitong maglakad halos nakakaladkad na siya
Todo ngiti naman si Miguel habang nakatingin sakanila
"Ingat kayo kuya!"
Pagsakay nila sa elevator nakasimangot si Angelo at padabog nitong binitawan ang kanyang kamay
"Don't flirt with my btother. Matanda ka na para sakanya"
Napanganga siya sa sinabi nito
"H..Hoy hoy hoy a..Anong sabi mo?"
Nainis siya sa sinabi nito.
"Pakagat kagat labi kapa habang niyayakap ka niya? Tss. Flirty old woman"
"Hoy Angelo nakaka-strike two kana ha! Anong flirty old woman ka diyan? Excuse me friendly hug lang yun ni Miguel sakin. hindi ako malandi at lalong lalo na bata pa ako! Magkasing edad lang tayo remember?"
Hindi siya nito pinansin nakasimangot lang ito . Hangang sa makasakay sila sa kotse nito nakasimangot lang ito
"Saan tayo pupunta ngayon? Imbis na mag audition nako sa kapatid mo--"
"Anong i-audition mo sa loob ng condo ng kapatid ko? Kung gusto mong mag audition sa pag kanta sa music room dapat at hindi sa room ng kapatid ko"
Napanganga nalang siya sa sinabi nito.
"Grabe ang dumi ng isip mo Angelo ha?"
Huminga ito ng malalim
"Sakin ka muna.."
"Ha?" napalingon agad siya sa sinabi nito
"I mean sakin ka muna mag audition. I can record your voice then i will send it to Miguel. Tatawagan ka nalang niya kung pasado ka bilang singer."
Napahinga siya ng maluwag. Akala pa naman niya may ibang ibig sabihin ang sinabi nito
"Fine! Sige. Pero pwede ba ilibre mo muna ako ng pag kain?. Hindi pa ako naglalunch eh. Para maganda ang timbre ng boses ko kapag busog ako"
Napailing nalang si Angelo at walang nagawa kundi magmaneho papunta sa isang fast food restaurant
Nauna na itong bumaba ng kotse at as usual hindi nanaman nito pinagbuksan ng pinto ng kotse nito
Sinundan niya nalang ito ng pumasok ito sa isang fast food restaurant.
Wendy's
"You can eat whatever you want. Restaurant to ng lola ko.."
"Ayos! Ariba ariba!"
Todo ngiti siya. Umorder siya ng madaming madami.
"Mauubos mo ba lahat yon?"
Ngumisi siya
"Minsan lang may manlibre sakin eh. Itodo ko na."
Agad niyang kinuha ang tissue paper niya sa kanyang bag. Nakatingin lang si Angelo sakanya habang hinihintay nila ang kanilang inorder
Pinunasan niya ng tissue paper ang kanyang black lipstick.
"Bakit mo binubura yan?"
"Ayokong kumain ng may lipstick eh. Nalalasahan ko."
Napapatingin lang si Angelo sa kanyang labi habang tinatangal niya ang black lipstick niya.
Napalunok ito ng mapansin nito ang pinkish niyang labi. Ngayon lang nito nakita ang kanyang itsura habang wala siyang black lipstick
Uminom agad ito ng malamig na tubig at nag iwas ng tingin sakanya
Hindi inaasahan ni Angelo na napakaganda pala ng kanyang mga labi.
"Ang tagal naman ng order natin? Sumbong mo sa lola wendy mo" napanguso siya sa sobrang tagal ng order nila.
Di naman maiwasan ni Angelo mapatingin sa kanyang labi.
Napainom ito muli ng malamig na tubig at sumimangot
"Freshly made kasi ang mga pag kain dito. Mag hintay ka lang"
pagsusungit nito sakanya
"Fine whatever.."
Nang dumating na ang pagkain nila mabilis niyang naubos ang kanyang mga inorder halos hindi na nga siya makahinga sa kabusugan.
"Burp.. Sorry busog lang" tinakpan niya ang kanyang bibig ng dumighay siya
"Gross"
"Ang arte mo angelo. Bakit hindi ka ba dumidighay?"
Sinimangutan lang siya nito
"Ikaw angelo mula ng bata pa tayo nakasimangot ka palagi sakin. Ano bang nagawa kong mali sayo ha?"
"Let's go. Pakikingan ko pa ang boses mo"
Tumayo na ito at nauna nang lumabas ng fast food restaurant
"Teka lang! Di pa nga ako nakakapag take-out eh. Anak ng patis naman oh!"
Nagtawanan ang mga service crew na nakarinig sakanya. Panigurado narinig din siya ni Angelo dahil napa-iling ito..