Chapter 5

1980 Words
"Liza, you can start now.." Napalunok ng ilang beses si Liza habang nakatayo siya sa harap ng mikropono ng recording studio na pinagdalhan sakanya ni Angelo. Hindi siya makapaniwala na nakatapak siya sa isang napakagandang recording room. Matagal na niyang pinapangarap na maka-kanta at marecord ang kanyang boses. Akala niya nagbibiro lang si angelo nang sabihin nito na irerecord nito ang kanyang boses sa isang recording studio. feeling ko ganap nakong singer dahil sa recording room na ito! "Hey start now?" untag nito sakanya at bahagya nitong kinatok ang salamin. Naririnig niya ang boses nito kahit nasa labas ito ng recording room. Mayroon speaker na nakakonekta sa loob ng recording room at sa labas nito.. Pinapagitnaan lamang ng salamin ang bawat kwarto. Nakatayo ito sa harap ng salamin upang panuorin siya , may katabi itong music artist specialist na nag guide sakanya kanina upang maayos siyang maka-kanta. Ito din ang nag aayos ng tamang timpla ng kanyang aawitin. "Ehem.. Sige po.. Ehem.. Music please.." She cleared her throat before starting singing.. Napapatingin siya kay Angelo dahil seryoso itong nanunuod sakanya. Inayos niyang mabuti ang kanyang head set ng magsimula ng tumugtog ang music na kanyang napili. Pakiramdam niya nasa isang malupit na audition siya. (PLEASE PLAY THE BACKGROUND MUSIC NOW) Pumikit siya upang damahin niya ang kanyang kinakanta. Mahalaga sakanya ang kantang ito dahil pakiramdam niya sa pamamagitan ng pagkanta doon niya lang naipapakita ang tunay niyang nararamdaman. "Look at me.." "I will never pass for a perfect bride, or a perfect daughter..." "Can it be.." "I'm not meant to play this part?" "Now I see..." "If I learn each rule I can fool them all, I could never fool my heart.." "Who is that girl I see, staring straight back at me.. Why is my reflection someone I don't know?" "Somehow I cannot hide who I am, though I tried.. When will my reflection show who I am inside.." "How I pray That a time will come I can free myself, and meet their expectations.." "On that day.." "I'll discover someway to free myself, and to make my family proud.." "They want a docile lamb, no one knows who I am.. Must there be a secret me I'm forced to hide?.." "Must I pretend that I'm someone else, for all time.. When will my reflection show who I am inside?" "When will my reflection show who I am inside?.." Dumilat siya pagkatapos niyang kumanta.. Pinunasan niya ang luha na umagos sa kanyang mga mata.. Nakarinig nalang siya ng palakpak. Galing iyon sa music artist specialist. Kahit hindi pumalakpak si Angelo alam niyang nagustuhan nito ang kanyang kanta dahil medyo nakangiti ito. Unti unti siyang napangiti dahil mukhang nagustuhan ng mga ito ang kanyang boses. "Good." tipid na sambit ni Angelo Hinubad niya agad ng head set at lumabas na siya sa recording room "Ano pasado ba ako?" masiglang tanong niya kay Angelo "Hmm pwede na" Napangiti siya ng todo dahil sa sinabi nito "Yes! Sabi sayo maganda ang boses ko eh!" "Sabi ko pwede na. Hindi ko sinabing maganda" Napapangiti ang music artist specialist sakanilang pag uusap ni Angelo. "Nice voice ma'am. Maganda po ang boses mo. Konting practice lang maperfect mo na halos yung kanta" "Thanks kuya! Apir!" Napakamot nalang sa ulo ang music specialist at nakipag apir sakanya. "I'll send this to Miguel. Siya padin ang mag dedesisyon kung ipapasok ka niya sa bar niya" Napalabi siya.. Di naman sinasadyang napatingin ito sa kanyang labi. Wala siyang lipstick ngayon dahil kumain sila kanina sa Wendy's restaurant. "Ano ba yan angelo. Pilitin mo naman ang kapatid mong kunin ako. Para di na kita guguluhin" "Oo na.. Let's go home" Nauna na itong lumabas ng recording studio "Tignan mo yung taong yun? Napakasungit ang hirap kasama! Sige kuya thanks ha? Una na kami sayo" Napangiti nalang ito "Sige ma'am ingat kayo ni Ser.." Napatakbo na siya palabas ng recording studio at sinundan si Angelo hangang sa kotse nito Nakasakay na ito sa kotse nito "Hoy ikaw para kang walang kasama.." Pagalit niya kay Angelo dahil iniwan siya nito "Saan ang bahay niyo?" tanong nito at hindi nito pinansin ang kanyang pagmamaktol. Nag simula na itong mag maneho. "Sa puso mo!" Galit niyang sagot "Walang space sa puso ko ang mga katulad mo" Masungit din nitong sagot sakanya Napabuntong hininga siya sa sobrang inis. Binibiro lang naman niya ito "Ouch naman! masyado ka naman seryoso Angelo grrr. Binibiro lang eh.. Edi wala.." "Saan nga?" kunot nuong tanong uli nito "Kapag ikaw na-inlove sakin ewan ko lang kung magka-space pa sa iba yang puso mo---ayy kalabaw! Dahan dahan naman!" Napa-preno kasi ito dahil sa kanyang sinabi "Kahit kailan hindi ako ma-iinlove sayo" "Sus. Ako ba ang kinakausap mo? O yung sarili mo? Uyyyy may feelings ka sakin no?" Pang aasar niya dito Namula naman ang pisngi nito "In your dreams liza.. tss" napa-iling nalang ito at nagsimula ng magmaneho "Sure ka hindi ka maiinlove sakin ha?" Napasimangot lang ito "Never." "Paano kung halikan kita ngayon?--- Awww dahan dahan sabi eh!!" Napa-preno kasi ito uli dahil sa kanyang mga sinasabi. "Kung ano ano kasing sinasabi mo.. Pwede ba tumahimik ka muna?" "Affected much ka no?" Pinipigilan niyang mapangiti Napa-iling nalang ito "Kahit halikan mo ako ng paulit ulit hindi padin ako magkakagusto sayo----" Naputol ang pagsasalita nito dahil hinila niya ang neck tie nito upang mapalapit sakanya ang mukha nito. One inch apart nalang ang layo ng mukha nila sa isat isa.. Napalunok ito at napatingin sa kanyang labi.. Pareho silang malalim ang pag hinga dahil sa tensyon na kanilang nararamdaman "Ano Angelo.. pag hinalikan ba kita ngayon nasisigurado mong hindi ka magkakagusto sakin?" Titig na titig siya sa labi ni angelo. Namumula iyon at halatang napakalambot "Hindi.." Napalunok itong muli "Sigurado ka?" Halos pabulong na niyang tanong. Ikinawit niya ang kanyang kamay sa batok nito "Try me.." utos nito sakanya. Bago pa man niya ito halikan nauna na nitong sinungaban ang kanyang labi. Napapikit siya ng maglapat ang bawat labi nila sa isat isa. "Uhmmm " napaungol siya ng hapitin nito ang kanyang bewang at palalimin nito ng husto ang pag halik nito sakanyang labi.. "Uhmm uhhmmm " napapaungol siya habang walang sawang nakikipaghalikan ito sakanya. Mainit ang labi nito na nakakadagdag sa sarap ng pinagsasaluhan nilang halik Passionate... Romantic.. Deep... Hindi siya marunong makipaghalikan ngunit natuto agad siya sa paraan ng paghalik nito sakanya. Para bang normal lang sa kanyang labi ang sumunod sa pag galaw ng bawat paghalik nito Hindi niya inaasahan na isang maalab na halikan ang gagawin nila ngayon. Hindi pa nakuntento si Angelo hinapit nito ang bewang niya at binuhat siya upang mapa-upo siya sa kandungan nito "Uhmmm" napaungol na din ito habang sarap na sarap sa paghahalikan na kanilang pinagsasaluhan. Nakipagsabayan din ang kanilang mga dila upang mas lumalim pa ang paghahalikan nila Napasabunot siya sa buhok ni Angelo ng pisilin nito ang kanyang pwet. Mukhang nang gigigil na ito sakanya. Naputol lamang ang paghahalikan nila ng marinig nila ang malakas na pag busina ng sasakyan sa likuran nila BEEEP BEEEP BEEEEEEEP!!!! "HOY HINDI MOTEL ANG KOTSE NIYO! NAGTATRAPIK NA!" sigaw sakanila ng isang driver ng kotse sa gilid nila. Pareho silang hingal na hingal ng matapos ang paghahalikan nila. Nakakandong padin siya sa kandungan nito Nakatitig lang ito sakanya halatang bitin na bitin ito sa pagsipsip ng kanyang labi... "A..Ano masarap ba angelo? Maiinlove kana ba?" Gusto niyang kutusan ang kanyang sarili dahil sa kanyang naitanong "Yeah masarap.. But i still hate you.." Doon siya natauhan sa sinabi ni Angelo. Nakalimutan niya kahit halikan siya nito hinding hindi nga pala ito magkakagusto sakanya. Napalunok siya. Itinago nalang niya sa kanyang sarili na nasaktan siya "O..Okay fine." Ngumiti siya at kinurot niya ang pisngi nito. Nagkunwari siya na balewala sakanya ang sinabi nito. Umayos siya ng pagkaka-upo bumalik siya sa pwesto niya. Inayos niya ang kanyang buhok na nagulo at ang kanyang palda Nakatingin lang ito sakanya. "313 boni mandaluyong.." mukhang naintindihan naman nito ang kanyang sinabi. Tumango ito at nagsimula nang mag maneho. Grabe ang sarap naman humalik ng Hater ko. hehe. Kung hater ko siya at ganon siya kasarap humalik paano pa kung love na? Napapangiti nalang siya sa kanyang iniisip. Impossible naman kasi talagang magkagusto ito sakanya.. Habang bumabiyahe sila tahimik lang ito. "Sa pulang gate ang bahay namin" Itinabi nito sa gilid ng kanilang gate ang kotse nito. "Give me your cellphone number" Napatingin siya dito habang tinatangal niya ang seat belt niya "Uyy akala ko ba hindi ka maiinlove sakin?" Tukso niya Namula ang pisngi nito "Para matext kita kung tangap ka ba sa bar ni Miguel. Ano bang sinasabi mo diyan?" Hindi ito makatingin sakanya dahil sa mapanukso niyang ngiti "Nako diyan nag uumpisa yan eh. Grabe ka kung makahalik sakin kanina eh. Impossible naman wala kang feelings sakin?" "Meron." Napatigil siya sa pagsasalita. Unti unti din nawala ang ngiti niya. Meron?? Tama ba ang rinig niya? Mayroon itong nararamdaman sakanya?? Napalunok siya pakiramdam niya may mga nagrarambulan sa loob ng kanyang tiyan. Ang bilis bilis din ng t***k ng kanyang puso "M..May feelings ka sakin?" "Yeah. I hate you.." Pinipigilan nitong mapangiti dahil sa kanyang reaksyon. lumaki ang butas ng kanyang ilong at napakagat labi siya "Bwisit ka! Paasa ka! Akala ko naman kung anong feelings yan!" hinampas niya ito sa braso nito kaya napangiti na ito "Give me your cellphone number para makauwi nako" umiiwas ito s bawat hampas niya "Bwisit ka! Oo na teka lang hindi ko kabisado eh!" Kinuha niya ang kanyang cell phone. Binigay niya dito ang kanyang digits "Okay." sinave nito sa cellphone nito ang digits niya "Angelo hindi mo ba talaga ako gusto?" Umiling ito "I told you, Kahit kailan hindi kita magugustuhan.." "Edi wag.." bababa na sana siya ng kotse nito ngunit may naalala siyang ipakita dito "Tignan mo to Angelo.." Pinakita niya dito ang screen ng cellphone niya. Her wallpaper. Picture iyon ni Franco. Ang kanyang best friend. Magkasama sila sa litratong iyon at nakahalik ito sa kanyang pisngi "Who's that?" kunot nuong tanong ni Angelo "Best friend ko yan. Mas pogi pa sayo yan kung maliligo lang yan ng isang libong ligo at mag toothbrush lang yan ng isang daan beses. Kaya kung hindi mo ako gusto ayos lang may second choice naman ako. Nangako kami ni franco sa isat isa na kapag 30 years old na kami at single padin kami.. Kami nalang ang magpapakasal" Nakakunot lang ang nuo nito "Tell him we kissed.." "Ano?" "Wala. Shooo bumaba kana" sapilitan na siya nitong pinababa ng kotse kaya naman bumaba na siya Nakasimangot lang ito at sinarado na nito ang pinto ng kotse nito "Sungit! I hate you too hater!" pahabol niyang sigaw. Malamang narinig pa siya nito "Hoy Liza! Nasaan ang motor ko?! At sino yung naghatid sayo? " Napalingon siya sa kuya lito niya. Mukhang inaabangan talaga siya nito sa mismong gate nila. Napakamot siya sa kanyang ulo "Naiwan ko pala.." "Anak ng tinapa naman. Saan mo iniwan?" "Bukas babalikan ko yon kuya! Promise! Bye!" tumakbo na siya papasok ng bahay nila. Nakasalubong niya si Monica "Ate ginabi ka ata? Kamusta interview mo?" "Ah..Eh.. Maayos naman. Baka bukas mag start nako? K..Kaso night shift ako.." "May night shift ba sa Hoffman's?" "Oo meron.. Osige na ihing ihi nako eh" Tumakbo na siya paakyat ng hagdanan ngunit nakasalubong naman niya ang kanyang inay "Kamusta interview mo? Bakit ngayon ka lang? Tumawag si tita abby mo hindi daw niya macontact si Angelo. Saan ba kayo nagpunta ni Angelo?" sunod sunod na tanong ng kanyang inay Napakamot nalang siya sa kanyang ulo "Ah Eh.. Mahabang kwento nay! Bukas nalang ako mag kwento sayo nay! ihing ihi na po ako eh. Good night!" Nag bless siya sa kanyang inay bebang bago siya tumakbo papasok sa kanyang kwarto "Tignan mo tong batang to. kinakausap pa eh" napapa-iling nalang si Aling bebang sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD