"N..Nay hindi totoo yan.. Kuya.. Ano bang mga pinagsasasabi niyo?!" Hindi na mapigilan ni Liza ang kanyang sarili dahil naiinis siya sa sinasabi ng kanyang kuya at nanay bebang "Bulag ka ba anak! Siya ang dahilan kung bakit namatay ang pamangkin mo--" "Wala po kinalaman si Angelo sa paglaglag ng bata nay!" "Tumigil ka na Liza!" sigaw ng kuya niya Hindi niya mapigilan umiyak. "Kuya maniwala ka naman oh. Nay maniwala naman kayo sakin.. Walang kasalanan si Angelo nay. Gawa gawa lang yun lahat ng babaeng yun!" Halos magmakaawa na siya sa nanay bebang niya "Liza tumigil ka! Si Mary jane na mismo ang nagsabi sakin. Ang lalakeng yun ang nag utos sakanya na ipalaglag ang baby namin--" "Thats impossible! Kuya naman! lawakan mo naman ang isip mo--" "Ikaw ang mag isip liza! Sa tingin mo b