Sa loob ng tatlong araw na pagkakakulong ni Liza sa loob ng kanyang kwarto pakiramdam niya wala na siyang pag asang makita muli si Angelo, Lalo na narinig niyang kausap ng kanyang nanay bebang ang lola niya sa probinsya kagabi. Pinag usapan ng mga ito na iuuwi na siya ng nanay bebang niya sa probinsya sa darating na sabado. Kahit malungkot sinubukan niya padin maligo. Nangangati na kase ang kanyang katawan. Tatlong araw na siyang hindi nakakaligo ng maayos at hindi kumakain ng maayos. Pakiramdam niya gusto niya lang umiyak ng umiyak. Habang naliligo siya hindi niya padin maiwasan malungkot. Dahil sa gawa gawang storya ng babaeng yun. Nagulo tuloy niya ang mundo ko.. Kamusta na kaya si Angelo? Iniisip niya pa din kaya ako? Kakatapos niya lang maligo at mag toothbrush ng buksan ng k