"Love, wag kana mag isip.. I will handle this.." Niyakap siya ni Angelo habang nakatayo siya sa veranda ng kwarto nito. Nandito sila ngayon sa mansyon ng mga Hoffman. Napabuntong hininga siya. Hindi niya kasi mapigilan malungkot. Masama ang loob niya sa kuya Lito niya at sa nanay bebang niya dahil sa ginawa ng mga ito, Ngunit naiisip din niya ang sitwasyon ng mga ito. Marahil sa labis na pag aalala sakanya at pagmamahal sakanya ng mga ito pinoprotektahan lamang siya "Love nalulungkot kasi ako.." hinawakan niya ang kamay ni Angelo na naka-kapit sa bewang niya "Don't be sad. Alam kong maaayos din natin lahat" Napabuntong hinga nanaman siya Mas humigpit ang yakap ni Angelo sakanya Nandito sila mansyon dahil tinanan siya nito. Err Tinakas pala. "S..Sana nga" "I have a plan.." Tuminga