Tapos ng maligo si Hendrick, pero nananatili pa rin siyang nakatayo sa shower room. Wala ni anumang saplot habang pinagmamasdan ang sariling repliksyon sa salamin. Gulong-gulo siya sa kanyang sarili, ang tindi ng pagnanasa niya sa asawa. Pero paulit-ulit niyang sinasabi na kailangan niyang pigilan ang kung anumang mararamdaman niya para sa babae dahil kinukuha pa nga niya ang loob nito. Ayaw niyang matakot sa kanya si Alondra at isipin nito na pinipuwersa niya ito sa gawaing batid naman niya na labag sa kalooban nito. Pero pagmulat niya ng kanyang mga mata at masilayan na niya ang magandang mukha nito kanina. Lalo na ang mamula-mula nitong labi na bahagya pang nakabuka kanina ay hindi na talaga niya napigilan ang kanyang sarili. Ang balak lang sana niya kanina ay hahalikan lang niya