Patuloy lamang sa paghalik sa kanyang labi ang kanyang Uncle Hendrick. Tila ba tuluyan na siyang nalunod sa tamis at sarap ng halik na iyon sa kanya. Nawala na siya ng tuluyan sa kanyang sarili at nawala na rin sa kanyang isipan na hindi nila maaaring gawin iyon. Dapat siya ang pumigil pero imbis na pigilan niya heto at mukhang nalulunod na siya sa sarap na dulot ng halik nito. Nakakainis pa, ito ang first kiss niya,tapos ang Uncle Hendrick lamang niya ang kumuha ng first kiss na iyon. Matagal niyang iningatan yun eh kahit na ang ex-boyfriend niya ay hindi niya naibigay ang first kiss. Tapos sa Uncle Hendrick lang pala niya mapupunta. Pero sa totoo lang, kunyari pa siya pero heto at nakapikit pa nga siya habang tinutugon ang halik ng lalaki. Hindi nga niya alam kung tama ba ang kanya