Sobrang nag-aalala si Alondra sa kanyang Uncle, nasa veranda kasi siya ng marinig niya ang malakas nitong sigaw. Kasunod niya ang mga kasambahay, pero agad niyang isinara ang pinto para hindi makapasok ang mga ito dahil natiyak niya na nasa bathroom ang lalaki. Sobra siyang nag-aalala dito dahil hindi normal yung pagsigaw nito sa kanyang pangalan, kaya naman dali-dali siyang nagtungo sa bathroom at naabutan nga niya itong nakasalampak sa sahig. Hawak-hawak ang ulo nito, mukhang inatake na naman ng pagsakit ng ulo. Pero medyo kakaiba ngayon dahil mukhang masakit talaga, kita kasi sa mukha nito lalo pa at napasalampak pa ito sa sahig. Hindi na siya nakapag-isip pa wala rin siyang pakialam na nakahubad ito basta agad siyng lumapit dito at niyakap ito ng mahigpit. Hinaplos-haplos niya a

