Halos isang oras ng nagpapawis si Hendrick sa mini court ng kanilang bakuran pero hindi man lamang siya pansinin ni Alondra. Ang mga mata nito ay nakatutok lamang sa laptop. Parang kailan lang isang buwan na ang nakalipas simula ng ikasal silang dalawa dapat nga magsi-celebrate sila dahil nga first monthsary ng kasal nila. Kaya lang parang wala lamang dito, gusto sana niya mag-celebrate silang dalawa. Aayain niya sana itong lumabas kaya lang palagi kasing tumatanggi ito, kaya ang nais niya ay mag dinner na lamang sila doon sa may ilalim ng punong mangga. Magpapaluto sana siya kina Manang, kahit papaano ay gagawin niyang romantic ang lugar para bumagay sana sa okasyon. Kaya lang parang wala lamang dito, mukhang hindi talaga mahalaga sa kanyang asawa ang kanilang kasal. Isang buwan

