“Ha?! Naku paano iyan, hindi ko rin kasi alam ang biyahe papunta sa mall dito, wala naman tayong sasakyan para sana magtungotayo doon.” wika ni Alondra kay Hendrick dahil kinabukasan kinausap siya nito na bibili nga daw ito ng cellphone. Wala naman silang sasakyan na maaaring gamitin dahil sinadya ng kanyang mga magulang na hindi sila bigyan ng sasakyan. Pagkagising niya ay nagulat na lamang siya dahil nakahiga na siya sa kama ng kanilang silid. Nakatunghay sa kanya ang lalaki at iyon nga humingi ng favor. Hindi na niya napansin na inilipat pala siya ng lalaki sa kanilang silid kagabi pero pinakaramdam niya ang kanyang sarili dahil nakahiga siya ulit sa bisig nito. Pero wala naman siyang naramdaman kahit na ano sa kanyang sarili kaya batid niya na wala itong ginawang kung ano sa kany

