Kabanata 36 Nakatulala habang nakamasid si Hendrick sa kisame ng kanilang silid. Tiningnan niya ang orasan sa kanyang bisig pasado alas dose na ng madaling araw pero hindi pa rin pumapasok sa loob ng silid si Alondra. Nasa veranda ito at abala sa laptop nito, parang nagtatype ito doon. Ilang beses na kasi siya itong sinilip para sana ayain ng matulog pero nawawalan siya ng lakas ng loob na gambalain ito kapag nakikita niyang seryoso ito sa ginagawa. Napansin pa niya ito na para bang lumuluha ito pero agad nitong pinunasan ang luha nito. Tapos nagpatuloy na sa pagtatype. Inip na inip na talaga siya, wala man lamang siyang mapaglibangan. Pinatay naman na niya ang tv dahil wala na rin palabas at nagsasawa na rin naman siya sa mga palabas. Gusto sana niyang makipagkwentuhan kay Alindra

